Unang Araw ng Mass Neutering at Spaying (Kapon & Ligate) at Anti-Rabies Vaccination
Matamang salamat po sa ating masisipag na Veterinary Doctors at Staff ng Provincial Veterinary Office ng Provincial Government ng Palawan at sa mga kawani ng Municipal Agricultural Office ng LGU-Coron sa pangunguna ni Sir Geronimo Gevela sa matagumpay na unang araw ng Mass Neutering at Spaying (Kapon & Ligate) at Anti-Rabies Vaccination na ginanap sa Barangay Poblacion 1 Covered Court.
Ang inyong pagkilos at serbisyo ay hindi lamang para sa kapakanan ng ating mga alagang hayop kundi pati na rin sa kaligtasan at kalusugan ng buong bayan ng Coron. Sa kabila ng pagod at init, hindi kayo nagpatinag sa pagtulong sa ating mga kababayan at kanilang mga alaga.
Mula, maraming salamat po sa inyong serbisyo.
