Pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa National and Local Election

Sa nalalapit na pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024, hinihikayat po natin ang lahat na makiisa sa isang maayos at mapayapang proseso.

Ang ating bayan ay isang simbolo ng pagkakaisa at disiplina, kaya’t ating isapuso ang kalinisan, katahimikan at kooperasyon sa panahong ito. Pinaaalalahanan ang lahat na sundin ang mga itinakdang regulasyon at panuntunan ng COMELEC.

Sama-sama po tayo para sa isang tapat at maayos na eleksyon sa Bayan ng Coron.