MISSION
Sa Taong 2026, ang Barangay TARA ay isang pangunahing ENVI-CULTURAL TOURIST Destination sa Bayan ng Coron, mapayapa at may kapaligirang kapaki-pakinabang. Ang mga naninirahan dito ay malulusog, may sapat na kabuhayan at aktibong nakikilahok sa mga pulisiya ng barangay at sasabay sa pagbabago tungo sa maunlad na barangay.
VISION
Sa Taong 2026, ang Barangay TARA ay isang mapayapa, maunlad at may kapaligirang kapaki-pakinabang, at mayroong mga malulusog, may kaalaman, aktibong nakikilahok sa mga programa ng barangay at yayakapin ang pagbabago tungo sa sustainable na pagbabago ng Barangay.
HISTORICAL BACKGROUND
Ang Barangay TARA ay naedeklarang Barangay noong 1920. Walang naiwang mga records sa barangay hinggil sa legal na pagtatatag ng Barangay Tara, subalit malinaw sa mga isipan ng mga “elders” ang pagkakatatag ng Tara bilang isang barangay, ang kaisipanng ito ay naisalin nang naisalin mula sa ibat-ibang henerasyon ng barangay hangang sa kasalukuyan. Ang mga naninirahan sa Barangay TARA ay mga Indigenous People mas kilala sa tawag na “TAGBANUA”. Ang mga Tagbanua ang mga naunang nanirahan sa Barangay Tara. Sila ay “nomadic” by nature, dumadayo sa ibat-ibang lugar upang maghanapbuhay, tula ng pangingisda, pagtatanim, pangangaso. Subalit, kusa silang bumabalik sa Barangay Tara pagkatapos ng kanilang pagdadayo. Ang mga Tagbanua ay kilalang kilala sa kanilang hanapbuhay na pangunguha ng “BALINSASAYAW” sa mga matatarik na bundok na ang mga bato ay matutulis (taraw).
Ayon sa mga kwento ng mga mamamayan ng Barangay, ang Barangay Tara ay nagmula sa pangalan ng isang kahoy na kung tawagin ay “tara-tara” na noong panahon ay napakarami sa barangay. Mula sa “tara-tara” ito ay napunta sa katawagang “tala” na kalaunan ay nauwi sa katawagang “tara” na hangang sa ngayon ay nananatiling TARA ang pangalan ng barangay. Base sa mga istorya ng mga naninirahan sa barangay, ang mga orihinal na pamilya sa barangay Tara ay ang mga pamilyang Daculios, Carpiano, Bering, Doldig, Talangay, Mosquera at Bernal. Ang pinagmulan ng pamilyang Daculios ay Barangay Cabugao lalo na sa Bato, samantalang ang carpiano naman ay nagmula sa Malawig at Buenavista, ang mga Bering naman ay nagmula sa banuang Lagi at Cabugao, ang Talangay ay galing sa Cuyo at ang Doldig ay sa Malawig.
Ang Barangay Tara ay pinamunuan noon ng mga Tenyente Del Baryo at sa kasalukuyan ang Barangay TARA ay pinamumunuan ng isang PUNONG BARANGAY:
TAON | KATUNGKULAN | PANGALAN NG MGA TENYENTE DEL BARRIO/PUNONG BARANGAY |
1920-1924 | Tenyente del Barrio | PABLO AGUIDO |
1924-1944 | Tenyente del Barrio | ANTERO CARPIANO |
1944-1950 | Tenyente del Barrio | JOSE BERNAL |
1950-1954 | Tenyente del Barrio | TEODORO CARPIANO |
1954-1958 | Tenyente del Barrio | NICOLAS DACULIUS |
1958-1961 | Tenyente del Barrio | TELESFORO MOSQUERA |
1961-1967 | Tenyente del Barrio | FRANCISCO TALANGAY |
1967-1972 | Tenyente del Barrio | ARDEN TALANGAY |
1972-1990 | Kapitan | ANTIPAZ ALVAREZ |
1990-1994 | OIC Kapitan | DELFIN SANICOY |
1994-1997 | Punong Barangay | ROBERTO TALANGAY |
1997-2002 | Punong Barangay | EDGARDO PULILAN |
2002-2010 | Punong Barangay | ABELARDO AGUIDO |
2010-2023 | Punong Barangay | ABELARDO B. ALVAREZ |
2023 to present | Punong Barangay | MA. TERESA J. CASARENO |
Maraming mga kalamidad at sakuna ang mga dumaan at nangyari sa Barangay Tara na nakapinsala sa mga mamamayan ng barangay, tulad ng:
TAON | KALAMIDAD/SAKUNA/ PANGYAYARI | EPEKTO |
1925 | Super Bagyo | Nagkaroon ng bagonbon sa aplaya, nagtambak ang bahura at nagsampahan sa mga kabahayan ang mga patay na isda, pawikan, maging mga shells |
1942-1946 | Nagkampo ang mga Hapon sa Barangay | 3 Hapon ang namatay sa barangay at 1 Hapon naman ang nakapag-asawa ng taga Tara na si Apo Margaretta na nagkaroon ng 1 anak na lalaki subalit namatay din sa edad na 1 taon |
1950 | Kauna-unahang school building na naitayo na gawa sa kahoy | Pagpatayo ng kauna-unahang school building na mayroong 1 classroom na gawa sa kahoy na tinawag na COMMONWEALTH BUILDING. Ang kauna-unahang guro ay si G. Jose Bagalay |
1954 | Pagkakaroon ng kauna-unahang rantso sa Tara | Nagkaroon ng unang rantso sa Tara si Don Vicente Sandoval na mayroong 52 baka at 5 Kalabaw |
1960 | Pagdagsa ng Blue Seal Cigarette, smuggling at pamimirata | Tinawag na “Little Borneo” ang Tara dahil sa mga smuggling na sigarilyo na nagmula sa Borneo |
1971 | Bagyong Dading | Nasira ang school, nagiba ang mga kabahayan |
1980-1983 | Pagdagsa ng mga Vietnam Refugees at nagkampo sa Tara | Nagkampo ang mga Vietnamese sa isang lugar sa Tara na kalaunan ay tinawag ng “Kampo” ang nasabing lugar at ngayon ay tinatawag ng Sitio “Kampo” |
1983 | Nang mahuli ang 1 barko ng mga smuggle goods mula sa Borneo | Nasabat ni Kapitan Antipaz Alvarez ang 1 barko na nagkakarga ng mga smuggle goods na nagmula pa sa Borneo, ipinamigay ni Kapitan Alvarez ang mga sakay na tela, bags, pantalon sa mga taga Tara bago ito dinala sa Bayan |
April 1983 | Epedimya ng Eltor o Diarrhea | Marami ang nagkasakit sa mga taga Tara at 20 katao ang namatay sa epedimyang ito |
April 1987 | Bagyong Pasing | Inabot ng bagyo sa laot ng Manga ang 11 bangkang de layag, 3 lamang ang nakabalik sa barangay, samantalang ang 8 ay hndi na nakita |
Aug. 14, 2002 | Bagyo | 9 na tao ang nawala, 3 dito ay mga opisyales ng barangay kasama si Punong Barangay Edgardo Pulilan, 2 Kagawad, Bgy. Secretary asawa at mga anak |
August 2005 | Sakit na Diarrhea | Nagkaroon muli ng epidemya ng Diarrheas na kung saan ay d3 bata ang namatay at 3 kadalagahan sa Sitix camanga, Campo, Kantila at Proper |
November 8, 2013 | Bagyong Yolanda | Maraming mga bahay at mga bangkang pangisda ang napinsala ng bagyong Yolanda. Isang bangkay ng foreigner ang natagpuan sa Camanga at 1 ang nawawala galling sa apo reef sa Mindoro |
Naitala ang mga naging unang proyekto sa Barangay Tara sa ilalim ng mga pamunuan ng mga sumusunod:
TAON | PROYEKTO/PROGRAMA | NANUNGKULAN |
1997-2002 | Pinasimulan ang pagkakaroon ng Assesor mapping sa Barangay Tara | Punong Barangay Edgardo Pulilan |
2011 | Nagkaroon ng sariling plaza ang Barangay. Kalahati ng lote ay binili ng Barangay at ang kalahati ay donasyon ng Pamilya ni Aditha Bering Alvarez at ng mga anak nito para sa Barangay | Punong Barangay Abelardo B. Alvarez |
2012 | Nagkaroon ng unang basketball court sa Barrio Proper, Camanga at Nabatasan | Punong Barangay Abelardo B. Alvarez |
2014 | Nagkaroon ng sariling Civic Center, naipaayos ang dike, nagkaroon ng pabahay sa barangay dala ng Cordaid | Punong Barangay Abelardo B. Alvarez |
Nagkaroon sa unang pagkakataon ng TARA NATIONAL HIGHSCHOLL sa pamamagitan ni Mr. Renato Correa at pakikipagtulungan ng Pamahalaang Barangay ng Tara | Punong Barangay Abelardo B. Alvarez | |
2018 | Unang nagkaroon ng Graduate ang Tara National High School | Punong Barangay Abelardo B. Alvarez |
December 24, 2020 | Nagkaroon ng koryente ang Barrio Proper ng Barangay Tara, proyektong nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Jose CH Alvarez, NAPOCOR, BISELCO at Dept. of Energy | Punong Barangay Abelardo B. Alvarez |
Naitayo ang kauna unahang Covered Court Project sa Barangay Tara | Punong BarangayAbelardo B. Alvarez | |
Nov. 17, 2023 | Nanumpa at umupo bilang Punong Barangay ang kauna-unahang Babaeng Punong Barangay ng Barangay Tara. Kauna-unahang Punong Barangay ng Barangay Tara na hindi myembro o hindi isang katutubong Tagbanua | Punong Barangay |
Geographical Location
Makikita ang Barangay TARA sa pagitan ng Bayan ng Coron, Palawan at ng San Jose Occidental Mindoro. Sa Silangang bahagi ng barangay ay ang Mindoro Strait, samantalang sa kanlurang bahagi nito ay matatagpuan ang Bayan ng Coron particular ang mga Barangay ng malawig, Buenavista, Turda, Borac. Ang mga barangay naming ng Bayan ng Busuanga ang matatagpuan sa bahaging Hilaga at sa Timog na bahagi naman ay ang Barangay ng Cabugao, kasama ang Delian Island.
Accessibility
Ang Barangay TARA ay mararating lamang ng sasakyang pandagat. Ito ay mararating sa pamamagitan ng 2 paraan : 1. Mula sa Dukol at Buenavista – isang oras ang tatakbuhin ng bankang de motor mula sa Dukol/Buenavista; 2. Direkta mula sa Bayan ng Coron, na tatakbuhin ng bankang de motor ng mahigit apat na oras (4 hours).
Maari rin itong marating mula sa san Jose Occidental Mindor na mayroong 4-5 hours na paglalakbay sa dagat.
BARANGAY OFFICIALS
PUNONG BARANGAY
MA. TERESA J. CASARENO
SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
ULANIE A. AGUIDO
KIMBERLY S. DACULIOS
RELLY D. BERNAL
GERALDINE P. DACULIOS
GILDA P. DOLDIG
RONALD R. TABANGAY
ADELITA P. DONDE
SK CHAIRPERSON
BRYAN JAMES A. DACULIUS
BARANGAY SECRETARY
GIRLIE S. AMORIN
BARANGAY TREASURER
MA. LIZA B. GOLEÑA
