MISSION

“Ang pamunuan at mamayan ay sama-samang nagpaplano at nagpapaunlad ng mga programa at proyekto sa pamamagitan ng maayos na pamamahala na magsusulong sa kaunlaran ng pamayanan ng Barangay Tagumpay”

VISION

‘’Sa Taong 2026, ang Barangay Tagumpay ay pamayanang nagkakaisa na may mataas na antas ng edukasyon, malusog na mamamayan, may malinis at luntiang kapaligiran na may maayos na pamahalaan at matatag na pangkabuhayan at maging tanyag na modelo sa buong mundo sa pamamahala at pagprotekta ng Marine Protected Areas”

HISTORICAL BACKGROUND

Batay sa talaan at salaysay ng mga taong nanirahan sa Barangay, Taong 1935 unang nanirahan sa Sitio Balisungan na sakop ng Barangay Tagumpay ay ang Pamilya ni Teofilo Bacarac at pamilya ni Marcelino Paguia na nanggaling sa cuyo,Palawan. Kasabay sa taong ito ay ang pagsulpot na mina ng manganese sa lugar ng Catabtab,Sitio Balisungan.  Taong 1946, unang nanirahan sa mismong barangay ay ang tatay ni Dr. Delfin Mariano na tinatawag na Mr. “Salungat” na nagmula sa Bataan at sinundan ng mga pamilya Deguia,Josol,at Enopia. Noong 1958 nagkaroon ng unang paaralan ng Elementary na ang bahay ni G.Victotiano Daculla ang pansamantalang ginamit na Paaralan at ang unang guro ay si G.Perez, taong 1960 nakapagpatayo na sila ng dalawang  gusali ng paaralan na tinawag na Tagumpay Elementary Schoool, at unang nagging Principal si Mrs. Fernandez.  Taong 1965 nakaranas nang delobyo ang barangay dahil sa bagyong Dading na dulot ng matinding  pinsala sa kabuhayan at kabahayan. 1960-1970’s muli nagkaroon naman ng isang karamdaman ito ay ang Malaria Outbreak.

Noong Enero 21,1968, Itinatag ang Barangay Tagumpay sa Pamumuno ni G. Victoriano Daculla na kauna-unahang Kaptian del Barrio. Unang tawag sa Barangay ay Tagum. Sa di kalaunay pinalitan ito ng Tagumpay dahil  sa maunlad na hanapbuhay sa pangingisda ngmga taga barangay. Binigyan ito ng pangalan ni G. Felizardo Toledo na ibig sabihin ito ay nagmula sa salitang “Tagum” na sitio ng Barangay at ang “Pay” ay kumpay at Kumay. Ang pamilya Capistrano ang unang may panaderya at sinundan ni Mang Bobby Antiojo, at sinundan ito ng malaking tindahan na pagmamay ari ni Mr.Kong kung kaya’t nagging sentro ito ng kalakalan sa coron, at unang nagging fishing ground.

Taong 1972 nakaranas din ang barangay nang sakit na “El Tor” na lubos ng nakakaalarma sa mga mamayan dahil karamihan ay mga kabataan ang naging biktima. Taon 1978 nang naitatag ang Sitio Balisungan na dating So. Catabtab. 1982 nagkaroon ng mga Purok ang barangay. Ang Purok 1 Pinagbuklod Purok 2 Pagkakaisa Purok 3 Bukang Liwayway. Pumasok na din ang mga Shipping Lines,Ang William lines,Aboitiz Lines,Maritima at sinundan ng mga iba pang mga shipping lines kaulad ng Asncion Lines,Rodrigues Lines,Villaruel lines,San Nicolas lines,Atienza lines,WGA at ang mga kasalukuyan shipping lines o passenger boat at sea craft katulas ng 2GO at bunso Ferry Lines, Ang unang fast at sea craft naman ay ang Sea Palaceat sinundan ng Montengro lines at PHIMAL ferries. Mga Imprastraktura at Establiyemento at mga pangyayari, 1935 nagkaroon ng Manganese Orbin 1936, itinayo ang Pier na yari sa kahoy,1946 dagsa ang basing, 1959, tumama ang bagyong gilda 1964 ginawa ang kalsada papuntang tagum,1970 nakgkaroon ng shell station na pagmamay ari ni Joe Pe 1975 nakgroon ng Vietnamese refugees,1976 Fish port Carbon dating sakop ng Tagumpay,1988 nagkaroon ng bagyong Undang,1992, dinaanan din ng bayong Yolanda taong 2013 ang pinakalamakas na bagyo sa kasaysayan na tumama sa Pilipinas. At nito lamang Mayo 4, 2023, itinayo at pormal na binuksan sa Sitio Balisungan Proper ang kauna-unahang standard covered court na bahagi ng proyekto ng Provincial Government of Palawan. 

At sa taong kasalukuyan din ay itinanghal na Best Locally Managed Marine Protected Area, Best Enforcement at Best in Philippine National Police-Maritime Group Savior of the Sea sa katatapos lamang na prestihiyusong Para El Mar Competition na pinangunahan ng Marine Protected Area (MPA) Support Network (MSN) kung saan nilahukan din ng lahat ng pinakamagagandang Marine Protected Area sa buong Pilipinas.  Gayundin, nakatanggap din ng kauna-unahang national award ang bagong itinatag na Balisungan Marine Protected Area na pumangatlo bilang Best Mangrove-Managed MPA category sa nasabing patimpalak.

MGA NAMUMUNO SA BARANGAY

1968-1971       ————————————-            VICTORIANO DACULLA
1971-1978       ————————————-            PEPITO YAMBAO
1978-1982       ————————————            RICARDO GALANG
1982-1988       ————————————-            EDILBERTO BUENSUCESO
1988-2005       ————————————             RICARDO ASTOR
2005-2010       ————————————            PHILIP ANDREW ASTOR
2010-2013       ————————————            LUISITO P. DACULLA
2013- March 28, 2017 ————————-              RICARDO ASTOR
(Resigned due to health issue)
April 7 2017 to June 30 2018 —————-             CHRISTIAN A. PALANCA
(Assumed and take Over by Law of succession)
July 1 2018-November 16, 2023 ————             CLIFF RICHARD A. ASTOR
November 17, 2023 up to present ———-            CLIFF RICHARD A. ASTOR

Ang barangay Tagumpay ay may laki na 1,870.46 hektarya, sa silangan nito ay ang Marcilla at hilaga nito ang Bgy.Borac at Poblacion 6 at sa gawin timog ay Poblacion 1, umaabot sa sampung (10) minute ang biyahe sa pamamagitan ng tricycle, motorcycle. Ang populasyon nito ay may kabuuang 8,631 at 2,126 na sambahayan na nasasakupan ng 4 na sitio at tatlong Purok. Tuwing Ika 24 ng buwan ng Oktubre ay Ipinagdiriwang ang Patronal Fiesta na siyang na ring ginaganap na Foundation Day ng Barangay.

Geographical Location

Barangay Tagumpay is located or situated on the coron of the municipality.  It is bounded on the north by Barangay Borac and Barangay Poblacion 6, on the south by Coron Passage, on the east by Barangay Marcilla, on the west by Barangay Poblacion 1 and Barangay Poblacion 6.

Accessibility

The Barangay Tagumpay is not less than 10 minutes of travel going town proper which can be reach by riding a motorcycle, four wheeled vehicle and other public transportation such as tricycle and e-bike.

BARANGAY OFFICIALS

PUNONG BARANGAY
CLIFF RICHARD A. ASTOR

SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
JESUS E. ARIMBAY
FREDDIE G. DIAZ
AARON JAY D. AGUILA
PEPITO B. MONDEJAR
VIRGILIO P. BUSCATO
RUEL D. MAZO
JONATHAN S. PANUCIAR, JR.

SK CHAIRPERSON
JOHN WEBSTER B. ECHAGUE

BARANGAY SECRETARY
JEANICAR R. ELIZAN

BARANGAY TREASURER
JULIE ANN A. GAID