MISSION

“Ang mga mamayan, Namamahala at iba’t-ibang Samahan ay magkakaisa at tulong-tulong upang mas epektibong maipatupad ang mga programa,proyekto at serbisyo ng Barangay.’’

VISION

“Sa taong 2026, ang Barangay San Jose ay mayroong matatag na pamahalaan at mapayapa, malinis, at may luntiang kapaligiran,may sapat na kabuhayan,may maayos at kumpletong pasilidad, na may malulusog na mamamayan, may kamalayan at aktibong makilahok sa mga Polisiya ng Barangay at sasabay sa pagbabago tungo sa Sustainable Development ng Barangay at panatilihin ang Kultura at tradisyon ng Barangay San Jose.’’

HISTORICAL BACKGROUND

Ayon sa mga mamamayan ng Barangay San Jose taong 1946 itinatag ang barangay na ito na nagmula kay “Apong Sisong (Narciso Rios)”, dating nakatira Sitio Maricaban, dating guro at anak ng nagmamay-ari ng lupa sa bario proper na si “Jose Rios, Sr.”.  Ang dating pangalan ng barangay ay “Kirib”, ang Barangay San Jose ay ipinangalan sa dating nagmamay-ari ng lupa na si Jose Rios.  Ang mga unang pamilya na tumira sa barangay ay ang mga pamilya ni Mamerto Ablania, Rosendo Factuar, Rodolfo Abangan, Narciso Rios, pamilya ng Cabudac at Balbutan.  Ang unang taong namuno rito ay si Gaudencio Balbutan. Ibat-ibang trahe

dya at sakuna ang naranasan sa barangay sa kanilang pagkakatanda taong 1948 ng manalasa ang bagyong Imelda.Taong 1959 si Lorenzo Cabudac naman ang namuna sa Barangay  at si Bienvenido Factuar ay noong 1965.  Taong 1970 hanggang 1980 ay maraming nagkakaingin sa barangay. Noong taon ding iyon ay nilalakad lamang ng mga taga barangay ang papuntang bayan na abutin ng apat na oras o di naman kaya ay babangkain papuntang Barangay Decalachao. Noong mga 1970’s din ay sa balon lamang kumukuha ng tubig ang Barangay gamit ang bungbong na gawa sa kawayan, sunggo o banga samantala ang gamit na pailaw noong mga panahong yaon ay petromax, kingki o kaya sahing lamang. Bukod sa pagkakaingin, noong 1978 ay naging pangunahing hanapbuhay ang paggawa ng basket at pamamana lang ang pangunahing panghuli ng isda.Taong 1982 naman nanalasa ang Bagyong Undang,maraming nasira bahay,karamihan kasi nakatira sa barangay ay mga Light Materials lang ang pagawa ng kanilang mga bahay.Taong 1985 ng magkaroon ng landslide sa Marikaban na kung saan may mga kabahayang nabagsakan at nawalang ng tirahan. Taong 1989 ng magkaroon Linya ng tubig ang Barangay. Taong 1991 naman nang pumutok ang Mt. Pinatubo na umabot sa Barangay ang ashfall nito.Taong 1997 nang mabuksan ang Kalsada papunta sa Barangay kaya marami ng mga sasakyan pang lupa ang nakapasok at nadadala na sa ibat-ibang lugar ang mga pangunahing produkto ng Barangay.Taong 2007 ng magkaroon ng Smart Cell Site ang Barangay.Noong 2012 ng magkaroon ng Linya ng Kuryente ang Barangay. Taong 2013 ng manalasa naman ang bagyong Yolanda maraming nasira at nawalan ng bahay sa Sitio Maricaban. at 2015 ng magkaroon ng peste ang mga alagang hayop sa barangay,na kung saan maraming mga alagang hayop ang namatay. Sa taong din na ito nagkaroon ng cell site ng Globe ang Barangay. Taong   2019 nang magkaroon ng Barangay Health Station ang Barangay.taong 2019-2021 ng magkaroon ng pandemya dala ng virus na kung tawagin ay Covid-19, dahil dito maraming Establisyemento ang nagsara at maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho,maraming pamilya ang naghirap. Taong 2022 naman ng magkaroon ang Barangay ng multi-Purpose Hall.

Narito ang iba pang mga namuno sa barangay:

TAON

NAMUMUNO SA BARANGAY

1972-1982            Juan Villoga
1982-1986           Jonas Alvarez
1986-1989           Delfin Pabalan
1989-1994           Estricto Alarcon
1994-1997           Estricto Alarcon
1997-2002          Rodolfo Curba, Sr.
2002-2008         Rodolfo Curba, Sr.
2008-2010          Erlenita Cabierra
2010-2023          Edgar Villareal, Jr.

Geographical Location

Barangay SAN JOSE is located or situated on the CORON of the municipality.  It is bounded on the north by Mindoro Strait, on the east by Y.K.R, on the west by Barangay Cheey, Busuanga Palawan and the south is Barangay Decalachao.

Accessibility

The accessibility of this Barangay from Coron town through by Vehicle like Jeep, Private Van, Motorcycle, Tricycle and chariot by land travel.

BARANGAY OFFICIALS

PUNONG BARANGAY
QUIRINO B. VILLAREAL, JR

SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
EDGAR B. VILLAREAL
JOEY P. ORMIDO
MARGIE G. ARCILLA
JONATHAN C. MENDOZA
MERIDEL B. LOTILLA
ERLINDA P. BARCIMO
ERLENITA A. CABIERRA

SK CHAIRPERSON
EMY P. ABUCAY

BARANGAY SECRETARY
AIRIZZ A. CABIGUEN

BARANGAY TREASURER
RACQUEL L. BANGAYAN