MISSION
Kaming namumuno na mga opisyales ng barangay poblacion 6, mga samahan at mamamayan ay sama-sama, tulong tulong sa pagplaplano at pagpapatupad ng mga programa, proyekto at adhikain ng barangay upang matupad ang mga pananaw at pangitain ng barangay poblacion 6 sa darating pang mga taon upang sama-samang tahakin ang kaunlaran sa darating na panahon.
VISION
“Sa taong 2026 ang Barangay Poblacion 6 ay modelo ng pangangalaga sa tubig-kanlungan, na may masaya, ligtas at malulusog na mamamayan, may masaganang kabuhayan, may nagkakaisang mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan, may matatag at maayos na pasilidad, na pinamumunuan ng mga opisyales na may sapat na kaalaman, digdidad, paninindigan at may takot sa diyos”
HISTORICAL BACKGROUND
Ang Coron ay itinatag taong 1902 at isa na itong nangungunang Munisipyo sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Ito ay may sukat na Nine Hundred Fifty-One Thousand Three Hundred Thirty-Four (951,334) square meters/ kilometers at napapaligiran ng Busuanga Island, Tara Island at Canipo Island. Ang Munisipyo ng Coron ay mayroong 23 Barangays kabilang ang Poblacion 1 to Poblacion 6. Idinaraos ang taunang Kapistahan tuwing Agosto 28 bilang pagunita sa Mahal na Poong San Agustin.
Ang Barangay Poblacion 6 ay may sukat na Four Thousand Nine Hundred Twenty (4,920.68) hectares. Ito ay napapaligiran ng Barangay Poblacion 4 (silangan), Barangay Guadalupe (kanluran), Barangay San Nicolas (Hilaga) at Barangay Poblacion 5 (Timog). Mayroon po itong populasyon na Four Thousand Four Hundred Ninety-Nine (4,499), One Thousand Three Hundred Twenty-Eight Five (1,328) household at mayroong Two Thousand Six Hundred Forty Two (2,642) na rehistradong botante sa kasalukuyan at may sampung Sitio.
Ayon sa kuwento ng mga matatanda kaya daw tinawag na sitio Capayas, dahil noong panahon daw ay maraming tanim na papaya ang mga taong nakatira sa lugar at dahil malakas ang tubig malalaki ang naging bunga ng papaya na sa salitang kuyunin ay Capayas. Ang Sitio Pali naman ay hango din sa isang Mangga na ang pangalan ay pali, marami ding manggang pali sa lugar na yon kaya tinawag din nilang Sitio Pali. Ganun din ang kuwento sa Sitio Banga, dahil malakas ang tubig ng Barangay 6 at hindi pa uso noon ang mga gripo sa bawat bahay, umiigib lang ang mga tao sa sapa at ang imbakan/ipunan nila ng tubig noon ay Tapayan na sa kalaunan ay tinawag nilang Banga dahil halos lahat ay may banga na ipunan ng tubig kaya ang lugar ay tinawag nilang Sitio Banga. Iyan po ay ilan lamang sa mga kuwento ng mga matatanda noon.
Ayon sa kasaysayan, taong 1972 pagkatapos ng Martial Law ang unang naging Punong Barangay ay si G. Juan Rafols, sa kanyang kapanahunan, ang pagtawag ng pagpupulong sa mga residente ay sa pamamagitan lamang ng batingaw/ batingting. Taong 1989-1994 si G. Jonathan C. Mayo Sr. ang sumunod na naging Punong Barangay, sa panunungkulan nya ay naitayo ang basketball court, Stage at Barangay Multi-purpose hall sa Sitio Capayas na nagsisilbing session hall ng mga opesyales. Naging Punong Barangay din si G. Peter Montes taong 2000-2003, sa kanyang panunungkulan ay nabuksan ang Barrio site at nagkaroon ng Day Care Center sa Sitio Capayas at may ipinatayo ring Day Care Center sa Barrio site. Taong 2004-2010, ay muling nailoklok bilang Punong Barangay si G. Jonathan Mayo Sr. at taon-taon ding isinasagawa ang Palarong Barangay or Barangay Foundation day. At mula taong 2010 hanggang Nobyembre 16, 2023 ang Punong Barangay ay Si Gng. Maria Vallejo Cinco, Sangguniang Barangay members naman ngayong taong 2019 sina Job R. Mayo, Eduardo A. Perez, Domiciano A. Pajarillo, Martha Joy M. Diaz, Irene M. Secillano, Editha P. Alarcon at Joven M. Ubay, si Ryan V. Gomez ang SK Chairman, Barangay Secretary si Nancy M. Joyohoy at Barangay Treasurer si Nora Q. Alvarez. Ang mga nailoklok naman na mga SK OFFICIALS ay sina; Aldrin G. Novero, Allan C. Alarcon, Rinalyn P. Adion, Lilibeth L. Nama, Cesar Z. Dela Cruz Jr., Karl M. Joyohoy, Joan U. Gacayan, si Karla L. Sonoro naman ang SK Treasurer at si Wendell M. Borabo ang na-appoint na SK Secretary. Sa maikling panahon ng panunungkulan ni Kap Cinco sampu ng kasamahang opesyales, sa wakas ay nagkaroon nang Elementary School grade 1 to grade 6 at kindergarten sa Barrio Site, mayroon naring Catholic Church, Barangay Multi-purpose building, Barangay Health Center, 2 storey Barangay hall, may Evacuation Center na rin sa aming Barrio site, Recovery Monitoring Facilities(MRF) at Barangay Covered Court na ngayong taon ay dito na isasagawa ang Barangay Foundation Day at Barangay Assembly Day.
Sa Barangay Poblacion 6 din nagmumula ang malinis na tubig (water source) na ginagamit ng mga karatig Barangay at ng Bayan ng Coron. Dito din makikita ang Mt. Dalara na ngayon ay tinayuan ng mga Tower ng Smart at Globe. Dito din matatagpuan ang Mabentangen Forest Park at sa kasalukuyan ay may iba’t- ibang malalaking establishments, Hotels at Resorts dito sa aming Barangay at on-going din ang Road Concreting.
Pagtapos ng panunungkulan ni punong barangay Maria Cinco, nahalal sa panunungkulan ng panahong Nobyembre 17,2023 si Job R. Mayo bilang punong barangay; mga bagong sangguniang barangay na sina: Ryan V. Gomez, Edna A. Uy, Percival R. Soriano Jr., Emma D. Adion, Marlon R. Secillano, Erwin M. Edonga at Jefrey S. Magan; bagong halal na SK Chairman Christopher T. Edonga; mga appointed officials na sina: Nancy M. Joyohoy (secretary) at Marjorie S. Anapada (treasurer). Naitalaga sa panahong ito na dalawang taon lang ang kanilang panunungkulan. Ipagpaumanhin sa pagkakataong ito (Feruary 2, 2024), dalawang buwan pa lamang mahigit ang panunungkulan ng mga opiyasles na ito, kaya marapatin nawa na sa susunod na lang natin itala ang kanilang naitulong at nagawa sa Barangay Pob. 6.
Geographical Location
Barangay Poblacion 6 is located or situated on the Coron of the municipality. It is bounded on the north by Bgy. San Nicolas, on the east by Bgy. Tagumpay, on the South by Bgy. Pob. 5, and on the West by Bgy. Guadalupe.
Accessibility
Marating ang bayan ng Coron kung saan sakop nito ang Barangay Pob. 6. May dalawa po tayong puedeng pagpilian: (1) maaari po nating gamitin ang himpapawid upang makarating sa Busuanga Airport at pagkatapos ay magpahatid gamit ang van upang makarating sa bayan ng Coron, at (2) maari rin nating gamitin ang karagatan upang direktang makarating sa Coron Port Terminal. Gamit ang alinman sa mga opsyon na ito, mararating na po natin ang maliit na Bayan ng Coron.
Sa pagkakataong ito isipin po na natin na tayo ngayon ay maluwalhati ng nakarating sa Bayan ng Coron, at dahil nga nais nating marating ang Barangay Pob. 6, maghahanap lang po tayo ng tricycle as our mood of transportation sa pag-ikot sa mga lugar na sakop ng barangay na ito.
BARANGAY OFFICIALS
PUNONG BARANGAY
JOB R. MAYO
SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
RYAN V. GOMEZ
EDNA A. UY
PERCIVAL R. SORIANO, JR.
EMMA D. ADION
MARLON R. SECILLANO
ERWIN M. EDONGA
JEFFREY S. MAGAN
SK CHAIRPERSON
CHRISTOPHER T. EDONGA
BARANGAY SECRETARY
NANCY M. JOYOHOY
BARANGAY TREASURER
MARJORIE S. ANAPADA
