MISSION

Kaming mga opisyales, kasama ang iba’t-ibang sector at mamamayan ay sama-samang nagpaplano at nagpapatupad ng pinagkaisahang proyekto at programang nagsusulong ng kagalingan ng bawat mamamayan ng Barangay Poblacion 3.

VISION

“Sa taong 2026, ang Barangay Poblacion 3 ay sentro ng kalakaran ng turismo sa Bayan ng Coron, na may maunlad na kabuhayan, payapang komunidad, malusog, may mataas na antas ng edukasyon, at handa sa anumang kalamidad at ligtas sa mga sakuna, na may malinis na kapaligiran, maayos na mga imprastraktura at pasilidad na pinamumunuan ng responsible at aktibong barangay opisyales.”

HISTORICAL BACKGROUND

Taong 1972 nang maitatag ang Barangay poblacion 3 sa pamamagitan ng paghati-hati ng Poblacion. Si Mayor Ricardo F. Lim ang Punong Bayan nang panahong iyon. Si Gng. Ciriaca V. Pe ang unang itinalagang Barangay Kapitan at siya ay nanungkulan hanggang 1989, Vicente S. Barracoso Jr. ay nanungkulan hanggang 1995, Luisito S. Abe ay nanungkulan hanggang 2002 at si Anthony Clifford V. Pe ay nanungkulan hanggang 2010 at Marlon A. Hachero hanggang 2018 at sa ngayon ay si Prime Kenneth L. De Vera sa kasalukuyan.

Ang palengke ay itinayo sa barangay na ito sa pamamahala ni Mayor Ricardo F. Lim noong 1970, dahil sa kakulangan ng land area ay isinagawa ang kauna-unahang reclamation project sa market area. Noong 2003 ay isinagawa uli ang pangalawang reclamation project sa market area upangb matugunan ang pangangailangan ng lumalaking populsyon ng bayan ng Coron.

Ang kauna-unahang bangko sa bayan ng Coron, ang Rural Bank of Coron Inc. ay itinatag sa  barangay na ito noong 1972. Ang kasalukuyang barangay hall ay itinatag naman noong taong 2003.

Unang nagkasunog sa barangay na ito ay noong 1959 na halos ikatupok ng buong barangay at ito ay nasundan noong Nobyembre 9, 2005. Kasama sa mga gusaling nasunog ang palengke. Nailipat ang Palengke sa isang lugar na sakop ng Barangay noong 2006, at noong 2009 nang mag reclaim ang Provincial Government, itinayo ang panibagong two storey na Barangay Hall sa reclaim area ng Provincial.

Taong 2010, inukupahan ang Barangay Hall ng mga Opisyales. Taong 2014 inilipat ang palengke sa reclamation area na sakop ng Barangay Poblacion 2, dahil sa nasira ng bagyong Yolanda ang dating palengke

Geographical Location

Ang Barangay Poblacion 3 ay isang barangay na kung saan matatagpuan ang old market, terminal at iba’t ibang estalisyemento. Ito ang pinakamaliit na barangay sa bayan ng Coron na may lawak na 2.05 hektarya. Ito rin ang pinakasentro ng Poblacion at makikita sa Timog na bahagi ng Coron. Nasa hilaga nito ang Barangay Poblacion 4, sa gawing Silangan naman ang Barangay Poblacion 2, nasa Timog ang Coron Bay at nasa kanluran naman ang Barangay Poblacion 5. Dahil sa ito ang pinaka sentro ng ekonomiya at kalakalan, karamihan sa mga taong nagpupunta rito ay naglalakad lamang, ang iba naman na nanggagaling sa malayong barangay ay sumasakay sa pampasaherong traysikel, Bangka, jeep, bus, at pribadong sasakyan.

Accessibility

Ang mga mamayan at mga mangangalakal na pumupunta dito sa barangay ay karaniwang gumagamit ng mga sasakyan  katulad ng motorsiklo,Bangka,jeep, bus at pribadong sasakyan sa kadahilanang dito s barangay poblacion 3 ang sentro ng ekonomiya at kalakalan.

BARANGAY OFFICIALS

PUNONG BARANGAY
PRIME KENNETH L. DE VERA

SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
EMRAN C. BATALO
MARK PHILIP A. LORAINA
JOHN LESTER DAVE S. MAYO
OMAR S. MACADAAG
EUNESA A. PALANCA
JINKY ROSE Z. BATALLER
CHITO D. PE

SK CHAIRPERSON
DANIEL JOHN Y. BALILO

BARANGAY SECRETARY
JENNELYN P. BUNADO

BARANGAY TREASURER
MARIEL ANN A. CASTILLO