MISSION

“Ang Pamunuan ng Barangay Marcilla kasama ang mga mamayan, at ng ibat- ibang Sektor ng aming barangay, ay sama- samang nagpaplano at nagpapatupad ng pinagkasundong proyekto at mga programa na nagsusulong sa kaunlaran ng mamamayan at barangay”.

VISION

“Sa Taong 2026 ang Barangay Marcilla ay isang Barangay na pangunahing pinupuntahan ng mga turista sa bayan ng Coron, may mayamang karagatan, luntiang kapaligiran, maunlad at masaganang kabuhayan, na angkop sa serbisyong panlipunan, sa gabay ng matapat at maayos na pamunuan sa pakikiisa ng mapanlahok na mamamayan”.

HISTORICAL BACKGROUND

Ang pangalang Marcilla ay nanggaling sa magkasintahang Mar at Celia, dati itong Sitio Tiwal-walan, ang Barangay Marcilla ay malimit lusubin ng mga Muslim noong panahong iyon. Taong 1905 lumipat ang mga tao galing Banuang Daan kasabay ng pagkakatayo ng kanilang simbahan.  Ang founder ng Barangay na ito ay sina Etong Salva at Ceferino Cuizon.  Noong 1920 naitayo ang Elementary School,  Taong 1959,  nang nagkaroon ng mina ng manganese sa Sitio Dapdapan at Sitio Toob kasabay nito ay nagkaroon ng malakas na bagyo na maraming pinsala ang naidulot sa mga mamamayan lalung-lalo na sa mga pananim.

Taong 1965 nakaroon ng maraming dayuhang galing sa Lucena at Cebu na gumamit ng sodium cyanide na lubhang ikinasira ng likas yamang dagat na nakaapekto sa kanilang ikinabubuhay. Taong 1969, 2004 at 2005 nagkaroon naman ng matinding peste sa mga pananim. Sa taong 2005 ay nabuksan ang kalsada mula Bayang ng Coron hanggang Barangay Marcilla, at taong 2006 ay nagkaroon ng Jeep na sinasakyan ng mga residente ng Barangay na pumupunta ng Bayan. 

Taong 2011 ay nagkaroon ng kuryente ang Barangay Marcilla at ilang mga kalsada narin ang nasimento. Taong 2013 isa ang Barangay Marcilla sa tinamaan ng malakas na bagyo (Yolanda), maraming mga kabahayan at mga pananim ang nawasak/napinsala.

Taong 2016 ay nagkaroon ng Marine Protected Area (MPA) ang Barangay Marcilla, dahil narin sa kagustuhan ng Mamamayan at ng Pamahalaang Barangay  sa tulong narin malampaya foundation inc. Taong 2019 ay pinagkalooban ng Pamahalaang Bayan ng Coron ang Barangay ng Bagong health Center at sa taong din ito ay napagkalooban ng ng proyekto ang Barangay na mula sa province ng isang Covered Court ngunit ito ay natigil sa kapariho ring taon at ipinagpatuloy sa taong 2023 at sa kaparihong taon din natapos.

Taong 2019 ay lumaganap ang sakit na tinawag na COVID-19, ito ay nagging Pandemya dahil hindi lamang Pilipinas, kundi lahat ng mga bansa ay naapektuhan dahil sa mabilisang pagkalat nito. Ang mga sintomas nito ay sipon, ubo at lagnat. Dahil sa wala pang bakuna ay limitado lang ang paglabas ng bahay, dahil dito ay maraming mga mamamayan ng barangay ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya na tumagal hanggang 2022.

Taong 2021 ay napagkaloobang muli ang Barangay ng proyekto na mula sa Pamahalaang panlalawigan ng isang Barangay hall at natapos sa taong din ito. Taong 2022 ay nagkaroon na ng High School sa Barangay, ang Coron School of Fisheries Marcilla-extension. 

Nakapagpatayo na rin ng mga imprastraktura sa barangay kagaya ng:

TAON

IMPRASTRAKTURA

1920

1969

1972

1992

2001

2002

2005

2011

2012

2012

2013

2013

2013

2014

2019

2019                

2021

2021

2021

2022 

2022                 

2023

    Provincial Road

    Barangay Road

    Basketball Court

    Water System

    Provincial Road

    Health Center at Solar Electrification

    Barangay Office at Barangay Stage

    Road Concreting– Barangay Proper

   Health Center, Reprapping

   Water Tank – Sitio Lawagan

   Concrete Stairs – Sitio Palasan

   Drainage Canal– Sitio Dungon

   Road Concreting– Proper

   Road Concreting – Sitio Taguete

   Barangay Proper Health Center

 Concrete road at Daungan street

  Road concrete – Sitio Dungon Proper

  Opening Road – Sitio Tagete to Sitio Biculog

  New Barangay Hall 

  Farm to Market Road

  Road Concreting- Barangay Proper to Marcilla Beach

  Covered Court

Ang Barangay Marcilla ay nahahati salimang (5) purok na may iba’t-ibang mga Sitio Tulad ng mga sumusunod:

Purok 1
a. Proper
b. Tagete
c. Bakwa
d. Biculog
e. Tabok
f. Tatapilan
g. Gevara
h. Camaleg
i. Dapdapan

Purok 2
a. Proper
b.Tondo
c. Pinaluyan
d. Dungan

Purok 3
a. Lawagan
b. Tiwal-tiwalan

Purok 4
a. Sablayan
b. Dungon

 

Purok 5
a. Palasan
b. Toob
c. Depangue
d. Tabulshet
e. Batang
f. Natapakan
g. Camudla
h. Culango

 

Ang unang nanungkulan sa barangay bilang Tinyente del Barrio ay si Jose Longsod, sumunod na namuno ay si Ceferino Cuizon, sinundan siya ng mga sumusunod:

 

TAON

 

MGA NANUNGKULAN SA BARANGAY

1948-1952

Pedro Saclet

1952-1956

Hipolito Dacuan

1956-1960

Hilarion Longsod

1960-1964

Leon Casampol

1964-1968

Jose Saclet

1968-1972

Honorio Salico

1972-1979

Crisanto Cuizon

1979-1982

Pedrito Pe

1982-1984

Renato Pay

1984-1989

Bernardo Cuizon

1989-1994

Felpo Llado

1994-1997

Gloria Pe

1997-2002

Hilario Tabale

2002-2007

Hermenegildo Cuizon, Sr.

2007-2010

Felpo Llado

2010- 2018

Laudemer  P. Pe

2018-2023

Odenor F. Ferras

2023-Present

Odenor F. Ferras

Geographical Location

The  Barangay Marcilla,  belong to the Municipality of Coron, it is bounded on the north by Barangay Tagumpay,  on the east sea of Mindoro Strait, on the west is Barangay Borac and on the south is Coron passage.

Accessibility

Barangay Marcilla has a total land area of 2,419.25 hectares, where 1,435.86 hectares used in agriculture, 4.35 hectares in residential, 824.68 hectare is forest land, 4.4 hectares is idle land  and 149.93 hectares are alienable and disposable land (A and D).

BARANGAY OFFICIALS

PUNONG BARANGAY
ODENOR F. FERRAS

SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
ROLDAN M. ELORDE
MARCUS G. JABUEN
RONALDO S. SACLET
RICKY D. BALIGWAT
RUPERTA A. CHUA
VICENTE S. GABO
RONILO M. BOLANTE

SK CHAIRPERSON
RAYMOND P. SALVA

BARANGAY SECRETARY
RENEVIC L. SACLET

BARANGAY TREASURER
ARTURO C. SACLET