MISSION
“Kaming mga mamayan ng Barangay Malawig kaakibat ang pamunuan, pribadong sector at assosasyon ay sama-samang nagpaplano at na pagpapatupad ng mga proyekto tungo sa maunlad na pamayanan.”
VISION
“Sa Taong 2026 Ang Barangay Malawig ay isa sa pangunahing tourist destination sa bayan ng Coron, na may nagkakaisang mamayanan, may maunlad na pamayanan, masaganang kapaligiran, may maayos at kumpletong pasilidad, na pinamumunuan ng epektibo at mahusay na pamamahala sa barangay”
HISTORICAL BACKGROUND
Ayon sa mga nakakaalam ng kasaysayan, ang pangalan ng barangay Malawig ay hango sa isang barko na naka-angkla ng panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig na ang ibig sabihin ay “Lawig” sa salitang tagbanua. Ang barangay ay binubuo ng labing-isang (11) sityo, ito ay ang mga sumusunod:
- Buyos
- Bulok
- Tengal
- Batakal
- Sablayan
- Payatpat
- Dyanlabo
- Bato
- Proper
- Mapula
- Dangkalan
Ang barangay ay nagkaroon ng mga tao taong 1950 sa pamumuno ng mga pundador na sina Eusebio Carpiano, Ramon Alberto, at Aguilar Alberto sila ang nagging unang teniente del baryo, sinundan ni Pormento Carpiano at Margarita Talagay.
May mga kalamidad na nararanasan ang mga taga barangay katulad ng mga bagyong “Ruping” at “Undang” noong 1984. Maraming mga pananim at kabahayan ang mga nasira at nasalanta, halos 75% ng kabahayan ang naapektuhan.
Ang sakit na nararanasan ng mga taga barangay ay ang sakit na diarrhea, taon-taon itong nararanasan ng mga mamamayan, ang ordinaryong sakit na ubo at sipon na matindi sa buwan ng hunyo hanggang disyembre at ang TB at hypertension ang kanila naring dinaranas sa ngayon.
Geographical Location
Ang Barangay Malawig ay nasasakop sa Munisipyo ng Coron na matatagpuan sa Silangan, Kanluran at Hilagang bahagi ng Palawan ito ay napapaligiran ng mga Sumusunod na barangay (12° 12′ North, 120° 14′ East):
Hilaga (North) : Barangay Turda
Timog (South) : Barangay Buenavista
Silangan (East) : Barangay Tara at Mindoro Street (Seashore)
Kanluran (Weast) : Barangay Decabobo
Accessibility
Ang barangay ay isa sa islang barangay na nasasakop ng Munisipyo ng Coron. Ito ay may lawak na 1,117.54 hektarya. Sa silangan, kanluran at hilaga nito ay ang Mindoro strait at nasa timog naman ay ang barangay decabobo at barangay Buenavista ito ay mararating sa pamamagitan ng bangkang de motor ng humigit-kumulang tatlong (3) oras mula sa bayan ng Coron.
BARANGAY OFFICIALS
PUNONG BARANGAY
JULIUS D. ALBERTO
SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
MARICEL V. CARPIANO
MINARD C. PULILAN
MERVIN M. RAMIREZ
GADIEL A. BANCILAN
ELIZARDO C. FLORES
NELITO C. LANGUYOD
JANITA R. DAYHOP
SK CHAIRPERSON
RENAR R. PEDRO
BARANGAY SECRETARY
LIEZEL P. BERING
BARANGAY TREASURER
DANICA N. CABUDAC
