MISSION
“KAMING MAMAMAYAN NG BARANGAY DECALACHAO SA PANGUNGUNA NG PAMUNUAN NG BARANGAY,KASAMA ANG IBA’T-IBANG SAMAHAN O ORGANISASYON AY SAMA-SAMANG NAGPAPLANO AT NAGPAPATUPADNG MGA GAWAIN NA NAGSUSULONG SA KAPAKANANAT IKA-UUNLAD NG AMING BARANGAY”.
VISION
“SA TAONG 2026, ANG BARANGAY DECALACHAO AY AVIATION CAPITAL NG NORTE NG PALAWAN NA MAY MAUNLAD NA KABUHAYAN, NAGKAKAISANG MAMAMAYAN AT ORGANISADONG PAMAHALAAN, MAY MALINIS NA KAPALIGIRAN, KOMPLETO AT MAAYOS NA PASILIDAD TUNGO SA MATATAG NA PAMAYANAN”.
HISTORICAL BACKGROUND
Decalachao ang opisyal na pangalang ibinigay sa baryong ito dahil sa mga usa (deer) na madalas makita noong unang panahon. Kadalasan ang mga usa ay pumupunta sa barangay para uminom ng tubig sa balon, kaya madalas itong mahuli ng mga taong naninirahan sa barangay. Dahil sa presensya ng mga hayop na ito, ito ay binansagang “Decalachao” ng mga residente ng Barangay hango sa salitang Calamianes na “Calachao” na ang ibig sabihin ay usa (deer).
Ang Barangay Decalachao ay naitatag noong 1918 sa tulong ni G. Liberio Gaid at G. Frudencio Dalonos. Pagkalipas ng isang taon (1919), sa tulong ng Kagawaran ng Edukasyon at sa hiling ng konseho ng barangay, ay naitayo ang Mababang Paaralan ng Decalachao (Decalachao Elementary School). Unang nabuksan ang paliparan noong 1975 at tinawag itong Tulbuan Busuanga Island Airport-YKR Airport. Napaganda ito at tinawag na (Francisco B. Reyes Airport) noong 2009 sa pamamagitan tulong ng Korean Government. Korean Agency for International development.
Dahil sa pag-unlad ng barangay, mabilis itong nalagyan ng pailaw noong 1992 sa pamamagitan ng BISELCO (Busuanga Island Electric Cooperative). Noong 2009, paglipas ng labing pitong taon, nagkaroon ng mga dayuhan at nanirahan sa mga lupaing nasasakupan ng Barangay. At tinawag itong pesante (in-formal settler) – (mga hindi rehistrado sa lugar, karamihan ay taga Mindoro).
Isa rin sa naging suliranin ng Barangay ay ang kawalan ng tubig gamit sa bahay, kaya noong 2013 ipinagkaloob ng KALAHI CIDSS (programa ng DSWD) ang patubig sa barangay, na nagbigay ng ginhawa sa mga magsasaka at mga mamamayan hanggang sa kasalukuyan. Ganoon din may ipinamahaging tatlumput-siyam (39) na kabahayan, Water Sanitation and Hygiene (WASH), at pangkabuhayan mula sa CARITAS (YOLANDA Assistance).
Ayon sa tala ng kasaysayan ng barangay, nakaranas din ito ng iba’t-ibang uri ng kalamidad at naapektuhan sila ng Bagyong Ruping at Bagyong Undang noong 1982. Ang pinakamalaking pinsala sa Barangay ay ang bagyong Yolanda at ayon sa tala ito ay may naapektuhang 1,676 na bilang na tao o kabuuang 476 pamilya. 82 na kabahayan ang pinadapa ng bagyo na may tinatayang 8 Miyong piso ang halagang napinsala na mga ari-arian, pananim at iba pang kabuhayan. Bukod sa bagyo nakakaranas na rin ng pagbaha at tagtuyot ang barangay.Taong 2013 din ng unang pumasok ang mga PESANTE o ILLEGAL SETTLER sa nasasakupan ng BAINBCRDC Palawan na nakapaloob sa Barangay Decalachao Coron, Palawan na magpahanggang nagyon po ay patuloy na naninirahan at ipinaglalaban ang kanilang mga tinitirhan na humigit-kumulang na sila ngayon 560 kabahayan. Taong 2019 ng magkaroon ng proyekto ang Provincial Government ng isang Covered Court dito sa aming Barangay.Taong 2020 naman ng magkaroon naman ng pandemiya na mas kilala sa tawag na COVID-19at maraming nagsara na mga establisyemento na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nahihirapang makabangon dahil sa dulot ng pandemiyang ito na naging mahirap para sa bawat isang pamilya dahil sa kahirapan at naging limitado ang bawat galaw ng mga kababayan natin dahil sa bawal ang lumabas ng marami para sa ikapapanatag ng loob at kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya. Ngunit ngayon ay patuloy pa rin ang sa pagbangon ang mga tao para sa kanilang pamilya.Taong 2021-2022 ng magkaroon ang aming Barangay ng Multi-Purpose Hall.Taon-taon din pong nangyayari na ang Sitio Tulbuan Barangay Decalachao ay nagkakaroon ng Grass Fire o pagkasunog ng kapatagan na kasalukuyang ginagamit na pastuhan ng mga alagang hayop ng BAI-NBCRDC Palawan. Taong kasalukuyan din ng magkaroon ng sunog sa GALO Barangay Decalachao Coron Palawan na nadamay nasunog ang ilang mga kabahayan sa nasabing lugar.
Narito ang iba pang namuno sa Barangay:
Taon na namumuno sa Barangay
1972-1982- Periolo Dalonos
1982-1986- Sebastian Balicol
1986-1989- Sebastian Balicol
1989-1994-Teodoro B. Villareal
1994-1997-Terencio B. Obispado
1997-2002-Terencio B. Obispado
2002-2008-Merla D. Obispado
2008-2018-Merla D. Obispado
2018-2023- Franklin F. Usorfacion
Geographical Location
Barangay Decalachao is located or situated on the North of the municipality. It is bounded on the North by Barangay San Jose, on the East by Barangay San Nicolas, on the South by Mindoro Strait, on the West by Yolu Kingranch.
Accessibility
Dito matatagpuan ang Francisco Reyes Airport na nagsisilbing pangunahing nilalapagan o binababaan ng mga bisitang dayuhan o lokal gamit ay eroplano galing sa iba’t-ibang bansa at lalawigan. Ang Barangay Decalachao ay humigit kumulang 30 kilometro mula sa kabayanan ng Coron at maaari itong marating sa pamamagitan ng Van, motorsiklo, pampasaherong dyip, at iba pang sasakyan panlupa at bangka naman kung sa sasakyan pandagat. Mula sa bayan ng Coron papunta sa barangay na ito ay humigit-kumulang isang oras(1:00) ang byahi. Mayroon ding nakatayong Globe at smart cell site sa Barangay na siyang nagpalakas ng komunikasyon at naging daan para sa mabilis na pagbigay ng mga anunsyo, impormasyon, babala at abiso ng gobyerno at iba pang mga sangay nito.
BARANGAY OFFICIALS
PUNONG BARANGAY
PHILIP A. DALONOS
SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
RONIE D. CALVO
MARK JAY – AR D. OBISPADO
ARVIN JAKE R. CASTRO
GARDO F. BAYOS
JONATHAN S. ROXAS
ERLITO B. LABADAN
JIMMY A. CABADING
SK CHAIRPERSON
PATRICK KENNETH M. GACAYAN
BARANGAY SECRETARY
RESIEL G. VILLANUEVA
BARANGAY TREASURER
NENIT D. ADION
