MISSION
The citizen, barangay local government unit, private and public sector are united, participating and law abiding towards the progressive and conducive community.
VISION
By the year 2026, Barangay Decabobo is one of the most-visited tourist destination in Municipality of Coron that protecting the environment with responsive infrastructure, progressive economy, educated citizens, active and well – disciplined governance.
HISTORICAL BACKGROUND
Ayon sa talaan ng kasaysayan at batay na rin sa alaala ng mga mamamayan taong 1811 ng dumating ang mga unang taong nanirahan dito sila ay sina Agustin Rodriguez at Favian Sugbo na mula sa Banuang Lagi na ngayon ay kilala bilang Banuang Daan. Ang unang tawag sa barangay ay “cabebe” na hango sa isang uri ng shells at yung “deca” na ibig sabihin ay marami at noong 1911 naging Barrio Decabobo ito.
Taong 1941 ng magkaroon ng pagmimina ng manganese sa Bayo-bayo at Tuloon na nagbigay ng trabaho sa mga taga barangay. Noong 1971 naman ay may mga pumasok na mga bangka sakay ay mga muro-ami.
Nakaranas din sila ng mga kalamidad tulad ng bagyong Undang noong 1984 na sumira sa mga pananim tulad ng mga saging kasoy at gayundin sumira rin ito ng mga kabahayan. Dumating din ang bagyong Rufing noong 1990 na kung saan marami ang nagkaroon ng sakit at pesti samantalang sa Sitio Bucatan marami ang nagkasakit ng diarrhea.
Naitayo ang unang paaralan sa barangay noong 1950. Nabuksan naman ang kalsada noong 1986 at napasemento ito noong 1998. Sa pamumuno ni Felicito Magallanes ay naipatayo ang boatlanding noong 1966 at naipasemento ito noong 1990 sa pamumuno naman ni Loreto Amantillo. Taong 2005 ng naipatayo ang health center at taong 2006 ay ang Day Care Center. Ang kalsada papuntang Buenavista ay nabuksan noong taong 2007 at sa parehas na taon naipatayo ang club house. Simula 2008 hanggang 2016 ay napakonkreto ang ilan sa mga barangay road.
Naisaayus ang Water System ng barangay at naging level II noong 2009 at taong 2012 naman ng umabot ang linyada ng BISELCO sa barangay. Taong 2013 naman ng maminsala ang bagyong Yolanda.
Maraming mga samahan naman ang naorganisa simula taong 2004 hanggang sa taong 2016 kagaya na lang ng Malcapuyaw Farmer Association, Net Formeter, United Womens Association, Seaweeds Grower Association at Decabobo Katutubong Tagbanua. Noong 2016 din naitatag at napagtibay ang Decabobo Marine Protected Area.
Taong 2016 din nagkaroon ng community fish landing sa barangay at kamakailan lang ngayong taon, 2017 nagkaroon ng Multi-Purpose building ang barangay.
Taong 2019 nagkaroon ng Decabobo National High School ang Barangay Decabobo at taong 2021 nagkaroon ng Barangay Hall o Multi- Purpose Hall ang Barangay Decabobo sa pamumuno ni Punong Barangay Joaquin D. Ortega, Jr. Nagkaroon din ng Make-Shift Day Care Center sa taong 2022. Naipagawa din ang kalsada sa may Silangan mula kina Ginang Mary Jane Amit hanggang sa akasya. Nagkaroon din ng 10 yunit ng street lights sa may pantalan at sa ilang kanto ng barangay. Nagdagdagan din itong mga street light na kaloob ni G. Vicente Dela Torre. Nagkaroon din ng CCTV ang Barangay Decabobo taong 2022. Sa taong 2023 ay nagawa ang Floating House ng Barangay Decabobo na inilagay sa Decabobo Marine Protected area. Naipagawa din ang mga tulay ng pantalan sa tulong ng munisipyo. Gayon din ang puno ng pantalan naipasemento din ito kaya maganda na ang kalsada para sa mga dumarating na bisita.
Ang Barangay Decabobo ay naging kinatawan ng Bayan ng Coron sa larangan ng Lupon Tagapamayapa Incentives Award taong 2021, ito ay sa pangunguna ni Punong Barangay Joaquin D. Ortega, Jr. at Barangay Secretary Roela D. Lotilla kasama ng mga Lupong Tagapamayapa. Ang barangay ay nagkamit ng pagkilala mula sa probinsya at sa regional level. Bagamat hindi nakuha ang pinakamataas na karangalan ay buo pa din ang tiwala ng DILG Coron sa nasabing pagkilala dahil ang Decabobo ang nagdala sa pangalan ng Coron, isa sa dalawang barangay mula sa probinsya ng Palawan na lumaban sa regional level.
Geographical Location
Barangay Decabobo is located or situated on the North of the municipality. It is bounded on the north by Mindoro Point, on the east by Barangay Buenavista (5km northeast), Coron, Palawan, on the west by Barangay San Jose, Coron, Palawan and on the south by Barangay San Nicolas, Coron, Palawan (6km south). Its coordinates are 12º 9’0” North 120º 13’10” East.
Accessibility
Barangay Decabobo is accessible through motorcycle, van and any land vehicle. It is also accessible through motor banca by the sea.
The distance of the barangay from the town proper is more or less 25 kilometers. The travel reached 30 minutes to an hour.
BARANGAY OFFICIALS
PUNONG BARANGAY
WILLIAM F. BALBUTAN
SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
JONALYN B. CASAMPOL
MARLON B. RAMIREZ
NELSON M. ENOJALES
REYMUNDO L. CASAMPOL
FRANCISCO D. SIXTA
MARK R. VILLOGA
MARK N. LOTILLA
SK CHAIRPERSON
MARK ANGELO A. AVANCEÑA
BARANGAY SECRETARY
RUFFA E. ABRERA
BARANGAY TREASURER
RIOMAR Y. LOQUIB
