MISSION
Maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan at mapanatili ang isang mapayapang pamayanan, magkaroon ng koordinasyon at pagtutulungan ang mga mamamayan at mga opisyales ng barangay.
VISION
“Sa taong 2026, ang Barangay Cabugao ay sentro ng katutubong kulturang Tagbanua na dinarayo, may masaganang pamumuhay, pinangangalagaang kapaligiran, maayos na imprastraktura, handa sa anumang kalamidad, at nagkakaisang mamamayan na pinamumunuan ng masisipag na opisyales.”
HISTORICAL BACKGROUND
Ang Barangay Cabugao ayun sa mga nakilala ay itinatag nuong 1910. Tinawag itong Cabugao sapagkat maraming CABUGAO na kahoy sa lugar. Itinatag ito sa pamumuno ni Lucero Victurino bilang isang kabesa de barangay. Nakilala ang barangay dahil sa mga edible bird nest o balinsasayaw, ito ang naging tatak nila mag pa hanggang ngayun. Mga naunang nanirahan dito ay ang pamilyang Tarogtog at Manuel.
Ang mga unang namuno sa Barangay ay sina Pablo Apolinario taong 1925 hanggang 1928 at si Manuel Dacullios na siyamg Tenyente del Barionoong taong 1929 hanggang 1935.
Itinayo ang unang paaralan noong 1968. Taong 1981 nag karuon ng kalsada. Taong 1983 sumulpot ang tambalang na hanggang ngayun ay kanilang pinag kakakitaan.
Noong 1984 nakaranas sila ng matinding bagyo ang bagyong UNDANG na kung saan tatlungpu (30) kabahayan ang mga nasira at maraming mga pananim ang mga nasalanta. Taong 2010 pansamantalang nabuksan ang aming boatlanding na nagsimula sap ag tambak ng bato at lupa at unti-unting na semento.
Taong 2013 muling nasalanta ang barangay ng super typhon YOLANDA na kung saan ay halos 80% ng mga kabahayan sa barangay ay nasira at nasalanta ang kanilang mga pananim na pangunahing pinagkukunan ng kanilang pang kabuhayan, halos 50 pirasong Bangka ang nawasak, lahat ng tambalang na pananim ay na wash_out. taong 2014 nag karuon ng proyekto ang KALAHI CIDS sa barangay ito ay ang concrete road sa purok 1 at purok 2.
Taong 2018 nabuksan ang SECONDARYA sa barangay. At 2019 nagkaroon ng Highschool Building. Taong 2020 ay ang PANDEMIC (Civid-19) na halos ay nag pahirap lalo sa Buong Barangay nawalan ng kanilang hanapbuhay o pinagkakakitaan at hirap nakabangon muli. At taong 2022 pumasok ang malubhang sakit sa barangay na patatae at pagsusuka ng mga tao, naalarma ang buong Barangay dahil sa sakit na ito na halos umabot ng isang buwan bago nawala, sa tulong ng mga nasasakupan at mga nanunungkulan na nagtulong-tulong upang maaksyunan ang nasabing suliranin kahit papaano ay nabigyan ng agarang sulusyon ang sakit.
Taong 2023 ng may mag donasyon ng libreng wifi sa barangay upang magamit sa mabilisang kumunikasyon.
Ang mga namuno sa Barangay ay sina:
TAON | NAMUNO SA BARANGAY |
1972-1976 | Anduro Abella |
1976-1981 | Modesto Calix |
1981-1987 | Solomon Aguilar |
1987-1994 | Cabagsang Calix |
1994-2002 | Veloso Macoy |
2002-2013 | Norlito Languyod |
2013-2018 | Renato Dacullios |
2018-2023 | Darwin Macoy |
2023-Present | Darwin Macoy |
Geographical Location
Barangay Cabugao is located or situated on the Coron, Palawan of the municipality. It is bounded on the north by Barangay Bulalacao, on the east by Barangay Lajala, on the west by Calis Point and South by Barangay Banuang Daan.
Accessibility
Ang barangay cabugao ay mararating sa pamamagitan ng sasakyang pandagat sa loob ng isang (1) oras.
BARANGAY OFFICIALS
PUNONG BARANGAY
DARWIN M. MACOY
SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
JERSON D. PULILAN
JULIUS N. CERENO
NALDY S. LANGUYOD
GEMMUEL M. MACOY
TROQUE B. DACULLIOS
RUEL S. MARTINEZ
VICTOR D. CUNA
SK CHAIRPERSON
RODOLFO A. AGUILAR, JR.
BARANGAY SECRETARY
MERILYN L. BERING
BARANGAY TREASURER
RODELYN A. VILLANER
