MISSION

“Kaming mga opisyales ng barangay kasama ang iba’t-ibang samahan at mamamayan ay sama-samang nagpaplano at nagpapatupad ng mga napagkaisahang proyekto at programang nagsusulong ng kaunlaran ng bawat mamamayan ng Barangay Bulalacao.”

VISION

“Sa taong 2026, ang Barangay Bulalacao ay may malusog, nagkakaisang mamamayan, maunlad na kabuhayan, kompletong pasilidad, malinis at mayamang kalikasan, na may produktibo at mahusay na pamamahala.”

HISTORICAL BACKGROUND

Ayon sa talaan ng kasaysayan at batay na rin sa mga alaala ng mga nakakatanda, taong 1962 itinatag ang pamahalaang barangay ng Barangay Bulalacao sa pamumuno ni Simplicio Bering bilang unang kapitan ng barangay. ang Dating pangalan ng barangay ay Calumbuyan Tinawag itong bulalacao noon nang dalawang matatanda na naglalakad sa dalampasigan may nakita silang bulalacao at dito nag-umpisa na tawagin itong bulalacao. Ang mga unang nanirahan ay ang pamilyang Salva, Dape Bering, Calix, Rodriquez, at Bengona, ang barangay ay may saklaw na Dalawamput Tatlong sitio (23) at Apat na Purok (4), kasama ang Anim na Pulo (6).

Mga Sitio

  1. Canipo
  2. Mininglay
  3. Manlalara
  4. Kupit
  5. Bulok/Coco
  6. Malaroyroy/ Two season
  7. Kawayan
  8. Pinagbalian
  9. Parada
  10. Ambulong
  11. Tapik
  12. Kayagaw
  13. Lanao
  14. Decatimbo
  15. Denuksulan
  16. Pinagtambulan
  17. Old Bulalacao
  18. Ditaytayan
  19. Malcapuya
  20. Waling-waling/Bulog uno
  21. Calumbuyan
  22. Gintungawan
  23. Tanglaw 

Mga Pulo

  1. Bulog Dos
  2. Isla Kanding
  3. Tres Marias
  4. Maling Paling
  5. Malapuso
  6. Pinamuntunan

Ang mga namuno sa barangay ay sina:

TAON

MGA NAMUMUNO SA BARANGAY

1962

Simplicio Bering

 

Alejandro Dape

1991-1994

Roberto D. Bengona

1994-1997

Isabelita S. Rengel

1997-2002

Teoenes G. Gallego

2002-2013

Juan T. Garcia

2013-2023

Sabino B. Flores

2023-Present

Jomel R. Garcia

Geographical Location

Barangay Bulalacao is located or situated on the 22,583 sq. kilometer of the municipality.  It is bounded on the north by Coron, on the east by Gintungawan Island, on the west Ditaytayan Island and the south is Sitio Mininglay.

Accessibility

Ang Barangay Bulalacao ay nasasakop ng Munisipyo ng Coron na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Palawan, ito rin ay isa sa malayong isla na barangay na matatagpuan sa Coron. Ang barangay ay may kabuuang laki na 1753.36 hektarya. Ito ay mararating sa pamamagitan ng sasakyan pandagat sa loob ng isa at kalahating  oras mula sa bayan  ng Coron o Vice versa. Ang barangay ay mahirap marating kapag malalaki ang alon at malakas ang hangin. Isa rin sa mga nagiging suliranin nila ang pagdating ng bagyo sapagkat hindi sila makatawid  sa bayan ng Coron upang makapamili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

BARANGAY OFFICIALS

PUNONG BARANGAY
JOMEL R. GARCIA

SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
VICKY G. ERLANO
RUBEN C. NOTADO
EDUARDO H. ESCALA
JOEY S. COMEDIA
ROY M. GABINETE
IGNACIO M. BACOLOD
MARCIANO G. SOLAS

SK CHAIRPERSON
MANOLO A. PANGHONASAN

BARANGAY SECRETARY
JOEL V. DEMAPE

BARANGAY TREASURER
MARK KIM PERA