MISSION
Kaming namumuno na mga opisyales ng Sangguniang Barangay, mga samahan at mamamayan ay sama-sama, tulong- tulong sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa, proyekto at adhikain ng barangay upang matupad at higit pa ang pag-unlad ang mga pananaw at pangitain ng Barangay Buenavista sa darating pang mga taon upang magsilbing isang magandang modelo na may isang maunlad na barangay.
VISION
“Sa taong 2026 ang BARANGAY BUENAVISTA ay isa sa mga umuusbong na tourist destination sa bayan ng Coron, na may matatag, maunlad, matapat, nagkakaisang pamayanan, malusog na mamamayan at masaganang kabuhayan at may malinis na kapaligiran, may pagpapahalaga sa ating kalikasan at kultura, mabilis na pagtugon sa komunikasyon at may malasakit sa pamahalaan tungo sa maunlad na pamayanan.”
HISTORICAL BACKGROUND
Batay sa salaysay ng mga mamamayan taong 1937 itinatag ang Barangay Buenavista sa pamumuno ni Eusebio Carpiano at Napoleon Carpiano. Ang unang pangalan nito ay Pali na ang ibig sabihin ay “Pagi” May dumating na mga dayuhan at dahil nakita nila na maganda ang tanawin, kung kaya pinangalanan itong BUENAVISTA na ibig sabihin ay magandang tanawin.
Ipinagawa ang kalsada kasabay ng pagkakatatag ng Barangay Buenavista. Taong 1942 nagkaroon ng mina ng manganes sa Sityo Payatpat at Sityo Dimalaktang, masama ang mga naging epekto nito sa mga mamamayan dahil marami ang nagkasakit ng tuberculosis (TB).
Nagkaroon ng unang paaralan na yari sa sawali at nipa noong 1946 kasabay narin ng pagpapagawa ng pangalawang konkretong paaralan sa parehong taon. Ang naging unang guro dito ay si Ginoong Abe. Noong 1960 ipinatayo ang unang simbahan at sa taon ding ito dumaan ang bagyong “Hilda” na maraming buhay at pananim ang nasira at nasalanta, gayundin taong 1984 nagkaroon naman ng malakas na bagyong “Undang” na ikinasira uli ng mga kabahayan at mga pananim.
Taong 1999 nagkaroon ng small mining treasure sa kanilang lugar, noong 1980 sa pamumuno ni Simeon Herrera ay nagkaroon ng kauna-unahang volunteers ang barangay sa katauhan ni Nora O. Ormido, nasimulang naipagawa noong 1985 sa pamumuno ni Leonardo Carpiano ang Pantalan o Boat Landing ng Buenavista at naipagpatuloy noong 1995 sa panunungkulan ni Danilo B. Ormido, kasabay narin na naitatag ang kauna unahang Barangay Club House, Bry Health Center at Water system sa parihong taon, Sa taoong 2002-2010 sa pamumuno ni Fernando P. Aguido ay nabuksan o nasimulan ang kalsada mula Barangay Decabobo hanggang Barangay Buenavista, sa pagpapatuloy ng taong 2010-2013 sa pamumuno ni Nora O. Ormido ay nagkaroon na ng Supply ng kuryente (BESILCO) at nasimulan narin ang pagpapasimento sa mga kalsada na nasasakupan ng barangay, noong November 08 taong 2013 ay nanalanta ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo ang bagyong “YOLANDA” na naging sanhi ng pagkasira ng mga kabahayan, pananim, at mga kagamitang pandagat ng mga mangingisda, sa taong 2014-2018 sa pamumuno ni Fernado P. Aguido ay dumating ang mga tulong mula sa national, provincial, municipal at ibat-ibang NGOs kung kaya natulungan ang mga mamamayan ng buenavista na makapagsimula, nagkaroon ng mga pabahay at mga tulong pinansiyal, at sa taong 2016 ay naitatag at naipatayo ang Buenavista National Highschool Building sa tulong ng Frienship Builders, at sa taong 2018-2023 sa pamumuno ni Nora O. Ormido ay nagkaroon ng sariling Sementiryo ang barangay, naipatayo ang Covered Court, at ibat-ibang Infrastruktura sa barangay.
Geographical Location
Barangay Buenavista ay nasasakop sa Munisipyo ng Coron na matatagpuan sa Hilagang bahagi ng Palawan ito ay napapaligiran ng mga sumusunod na barangay; Hilaga (North) Barangay Malawig, Timog (South) Barangay San Nicolas at Barangay Turda, Silangan (East) Mindoro Strait (seashore), Kanluran (West) Barangay Decabobo
Accessibility
Ang Barangay ay mararating sa pamamagitan ng sasakyang pangdagat sa loob ng dalawang oras at anumang uri ng sasakyang panlupa na daraan sa tatlong Barangay na tatagal ng dalawang oras na pagbabyahe bago marating ang sentro ng barangay. Mahirap din itong marating kapag malalaki ang alon at malakas ang ihip ng hangin kung sasakyang pandagat ang gagamitin.
BARANGAY OFFICIALS
PUNONG BARANGAY
NORA O. ORMIDO
SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
ANTHONY A. ORMIDO
BERNALDO B. LUQUIB
RONALDO C. VILLOGA
ALFREDO N. TIQUE
ORLANDO A. CARPIANO
BRIXTON R. AGUIDO
JORLANDO F. CARPIANO
SK CHAIRPERSON
BUENAVISTA
BARANGAY SECRETARY
GRACE D. GABOR
BARANGAY TREASURER
ELSIE A. ORTEGA
