MISSION

“Kaming mga opisyales, mga samahan at mamamayan ay sama-samang nagpaplano at nagpapatupad ng mga programa at proyekto tungo sa ikauunlad ng Barangay Borac”.

VISION

“By year 2026, Barangay Borac is a center of agri-tourism in the Municipality of Coron, with vibrant economy, clean and green environment, progressive infrastructure, healthy citizenry with high educational attainment and united constituents led by God-fearing and humane administration.”

HISTORICAL BACKGROUND

Batay sa talaan ng kasaysayan at ayon na rin sa mga alaala ng mga mamamayan, taong 1926 itinatag ang Pamahalaang Barangay ng Borac. Bagamat taong 1915 may mga unang nanirahan na rito.  Ang naging unang Tenyente Del Barrio dito ay sina Rodrigo Echague at Nemesio Braganza.  

Ang BORAC ay hango sa salitang Tagbanua na ang ibig sabihin ay BUNGA o PRUTAS at sa Cuyonon naman ay ang ibig sabihin Burak ay Bulaklak. Dito matatagpuan ang mga magubat na lugar na maraming mga punong kahoy at mga baging na namumunga at namumulaklak. Habang wala pa ang tag-ani ng palay sa kaingin, ang nagsisilbing pagkain ng mga tao ay ang mga bunga ng Pale, Paho, Amoges, Alulyaw, Sipuna, Santol, Duhat, Kulyat, Begnay, Inyam, Balon Saging, Lamang Baging Korot, Kapari, Tagya, Kabwan, Kamote, Araro, Kaladi, Saging, Mais at iba pang bungang kahoy. Na mayroon din na Pitong (7) Purok na hango sa mga pangalan ng bulaklak at nabibilangan ng pitongput dalawa (72) na Sitio ng barangay.

Ang Barangay Borac ay nahati sa Pitong (7) Purok na binubuo ng iba’t-ibang mga sitio ng mga sumusunod:

Purok 1 (Sampaguita)12 Sitios
a.)   Buwang
b.)   Alunat
c.)   Panaguiban
d.)   Nagbalocan
e.)   Minugbay
f.)    Laladen
g.)   Kandis
h.)   Matiringen
i.)    Dipuyoc
j.)    Babaquen
k.)   Malebeglebeg
l.)    Caneque

Purok 4 (Yellow Tops)10 Sitios
a.)   Tuob
b.)   Narutuan
c.)   Beledyec
d.)   Pagcuralen
e.)   Daculo
f.)    Canibungan
g.)   Depanggan
h.)   Banted
i.)    Buri
j.)    Sablayan

Purok 2 (Santan)11 Sitios
a.)   Mabangcuangen
b.)   Mantalago
c.)   Oco
d.)   Pairan
e.)   Malbucaya
f.)    Tinambac
g.)   Badiang
h.)   Campo
i.)    Sugod
j.)    Degabonen
k.)   Cementeryo

Purok 5 (Bugambelya)17 Sitios
a.)   Berican
b.)   Tong
c.)   Casareal
d.)   Gesyeng-kenay
e.)   Debunlao
f.)    Karascas
g.)   Detaloto
h.)   Macayongcong
i.)    Sengleb
j.)    Kantil
k.)   Taguiptip
l.)    Bebyedan
m.) Pantalan
n.)   Oringan
o.)   Detandal
p.)   Dungan
q.)   Singay Sabang

Purok 3 (Senia)8 Sitios
a)       San Marcos
b)      Pabrica
c)       Owl
d)      Yocyoc
e)      Tabla
f)        Natapacan
g)       Tabulsit
h)      Tambiroc

Purok 6 (Sun Flower)8 Sitios 14 Sitios
a.)   Singay
b.)   Mabilingao
c.)   Diagocgoc
d.)   Mendangen
e.)   Debacocoan
f.)    Napyetan
g.)   Mabalitien
h.)   Mabalesbesen
i.)    Mabangaen
j.)    Debacocoan2
k.)   Napyetan2
l.)    Mabalitien2
m.) Mabalesbesen2
n.)   Mabangaen2

Purok 7 (Red Rose/White Rose)
a)       Poblacion / Barangay Proper

Dahil sa lupang donasyon ni G. Patricio Pebeauco nagkaroon nang mababang paaralan ng Borac Elementary School taong 1935 ang naging unang guro dito ay sina Ginoong Alfredo Arzaga at Ginoong Anacleto Echague at dahil sa pagdami ng mga mag-aaral nagkaroon na rin ng tatlong (3) Day Care Center. Taong 1936 nagkaroon ng kumpanya Minira kasabay ang pagpapagawa ng kalsada at noong 1948 ay nagkaroon na ng mina ng manganese.  Taong 1952 naman ay nagkaroon din sa barangay ng Luzon Stevedoring at noong 1953 sumulpot naman ang kumpanya Maritima.

Nakaranas din sila ng mga kalamidad katulad ng bagyong dading noong 1957 at ang bagyong undang sa taong 1984, maraming mga pananim at mga hayop ang nasalanta.  Nagkaroon din ng sakit na malaria, typhoid fever ang mga mamamayan ng barangay tuwing panahon ng tag-ulan.

Taong 1995 nagkaroon na ng paaralang sekundarya sa barangay ito ay ang Coron School of Fisheries Borac – Annex na ang naging gurong tagapamahala dito ay si Ginoong Renato R. Correa at noong 2004 ang paaralang sekundarya na ito ay naging Borac National Highschool na ang ginawang tagapamahala ay si Ginang Aurelia T. Panlilio.

Ang mga sumunod na namuno sa barangay ay sina:

TAON

MGA NAMUNO SA BARANGAY

1961 – 1965

Prudencio Austria

1965 – 1967

Martin Correa

1967 – 1972

Venancio Tabale

1972

Prudencio Austria

1972 – 1979

Benjamin Echague

1979 – 1982

Simoen Frias

1982 – 1986

Benjamin Echague

1986 – 1994

Estanislao Rodriguez

1994 – 1997

Anacleto Tabale

1997 – 2002

Renato Pe

2002 – 2013

Nestor Pascual

2013 – 2018

Rodolfo R. Correa

2018 – 2023

Numeriano T. Echague

2023-present

Rodolfo R. Correa

Taong 2019 lumaganap ang sakit na tinatawag na COVID-19 na naging pandemya hindi lamang sa Pilipinas kundi lahat ng mga bansa ay apektado,  na siyang epekto nang sakit ay ang mabilisang pagkalat nito . Pag- uubo, sipon at lagnat na siyang unang senyales ng sakit, maraming kabuhayan at trabaho ang nawalan dulot ng pandemya na tumagal  hanggang taong 2022.

At sa taong 2020 sa pamumuno ni Punong Barangay Numeriano T. Echague kasama ang mga Sangguniang Barangay ay nagsumite  ng isang ordinansa ng pagdidiklara ng araw ng Barangay Foundation na ilipat tuwing petsa ng ika-20 buwan ng Enero sa nakasanayang pinagdiriwang tuwing ika-14 hanggang 15 ng Mayo. Sa parehong taon ay napagkalooban  ng Proyekto ang barangay mula sa Province nang isang Covered Court Project-Phase I na natapos naman ang proyekto sa taong 2021.

Geographical Location

Barangay Borac is located or situated on the Municipality of Coron.  It is bounded on the north by Barangay Turda, on the east by Barangay Marcilla on the west by Barangay San Nicolas, and on the south by Barangay Tagumpay and parts of Barangay Marcilla.

Accessibility

Ito ay mararating sa pamamagitan ng sasakyang panlupa at pangdagat, may mga pampasaherong dyep na bumibyahe dito at mayroon ding may sariling sasakyan.  Sa pamamagitan ng bangka ito ay mararating sa loob ng isa at kalahating oras.  Ito ay may kalayuan kumpara sa byahe sa pamamagitan ng pampasaherong sasakyang panglupa.

BARANGAY OFFICIALS

PUNONG BARANGAY
RODOLFO R. CORREA

SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
RAYMOND T. CORREA
JOHN JOEL T. TABANG
RODELITO M. PACULDAS
KEVIN E. LONGENOS
BRYAN J. ELESIO
JIMMY B. TABALE
ALBERT D. NACASI

SK CHAIRPERSON
JERICK T. CAABAY

BARANGAY SECRETARY
SHARON D. BORROMEO

BARANGAY TREASURER
JEANETTE P. CAJOLO