MISSION

“Ang mg aopisyales at iba’t ibang samahan ay sama-samang nagpaplano, nagpapatupad at nagsusulong ng mga proyektong pangkaunlaran ng Barangay Bintuan.”

VISION

“Sa taong 2026, ang Barangay Bintuan ay kinikilalang isang makabagong agri-tourist destination sa Bayan ng Coron, na pinamumunuan ng mga mahuhusay at matuwid na mga opisyales ng barangay tungo sa isang maunlad, mapayapa at malinis na pamayanan, na may mataas na kalidad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan, na mga pasilidad pambarangay at mahusay na komunikasyon.”

HISTORICAL BACKGROUND

Ayon sa mg aalaala ng mga matatandang naninirahan sa barangay, ang unang pangalan ng barangay ay “Ambulong”. Ang pangalang Bintuan ay nanggaling sasalitang “Bien” na ang ibig sabihin sa Spanish word ay “Good” at ang “Tuan” ay nanggaling sa apilyedo ni Pe Tuan (Juan Palanca) na siyang unang taong dumating sa barangay noong August 15, 1906. Sa makatuwid “Bientuan” (Good Tuan) ay ang dating tawag sa “Bintuan”.

Kasamang dumatingni Pe Tuan sina Daniel Pe, Pe Tinga at Oca Pe, sila ay mga negosyante ng agriculture farming, shells, at livestock na dinadala sa Makati at Culion.

Ang mga orihinal na tao na nanirahan sa barangay ay si Jacobo Alaquin na naging katulong at katuwang ni Pe Tuan sa pag-cultivate ng lupa.

Noong 18th Century, ang mga tao dito ay ang pamilya nina Doroteo Rodriguez, Filomeno Robles, Mamerta Robles, Alfonso Robles, Andres Liao at Basilio Abaca.  Unang nanirahan sa Sitio San Juan sina Basilio Abaca at Oca Pe at sa mismong barangay proper nanirahan sina Pedro Palanca (anak ni Pe Tuan), Andres Liao at Marcial Garraez.

Ang barangay ay binubuo ng apatnaput-apat (44) naSityo, ito ay ang mgasumusunod:

MGA SITYO

  1.  San Juan

16.  Balet-bet

31.  Dahat

  2.  Dialod

17.  Lusong

32.  Ruyucan

  3.  Nalbot

18.  Sangat

33.  Apo

  4.  Detongtong

19.  Sta. Monica

34.  Nalan

  5.  San Roque

20.  Batacalan

35.  Yek-yek

  6.  Baliala

21.  Nagbaril

36.  Sinabitan

  7.  Pielac

22.  Maybong

37.  Malbato

  8.  Dipuyai

23.  Sinumpitan

38.  Mautanggal

  9.  Enoltek

24.  Wawa

39.  Decalbe

10.  Talulura

25.  Lapu-lapu

40.  Ehed

11.  Lelebken

26.  Ele

41.  Saleng

12.  Tandol

27.  Detalangtang

42.  Belo

13.  Cayan-Canan

28.  Langka

43.  Kaniki

14.  Cabugao

29.  Depanggan

44.  Malahalaen

15.  Degtayan

30.  Debalata

 

Sa ngayon ang barangay ay may kinikilalang pitong (7) Sityo na lamang, ito ay ang mga sumusunod:

  1. SityoMalbato
  2. Sityo 3D/Apo
  3. SityoNagbaril
  4. Centro
  5. San Juan
  6. Lelebken/Talulura
  7. Pielak

Noong 1940’s nagkaroon ng minahan ng manganese sa Sityo Detongtong at Sityo Degtayan.  Pumasok ang mga kumpanyang Maritima at Jecel Mining Company.  Nanguna sa pagmiminasi Mr. Parson, isang Amerikano na naka base sa Sityo Malbato. Nagkaroon ng trabaho ang mga taga barangay dahil sa mina at nagkaroon ng pagbubukas ng mga kalsada, naitayo din ang unang pantalan o daungan ng mga bangka at batel. Noong 1943 ay binomba ng mga sundalong Amerikano ang mga barkong pangdigma ng mga Hapon sa Sangat Island, ang mga lumubog na barko ay naging tourist spot nasa kasalukuyan. 1945 ng nagkaroon ng public cemetery. Ang health center ay naitayo noong 1964 at ito ay na rehab noong 1992 sa tulong ng CFI-ANESVAD. October 15, 1992 nagbukas ng negosyo ang HIKARI isang pearl farm na nagbigay ng maraming oportunid sa mga taga barangay at noong 2011 ay nagbukas din ang TNT isang fish processing sa Sitio Dahat. Nagkaroon ng Marine Protected Area na tinawag na Decalve Marine Protected Area noong 2005 kung saan ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nanguna sa pasinaya. 1984 at 1990 ng naminsala ang bagyong Undang at Ruping, maraming bahay, at pananim ang nasira at mga namatay na hayop. 1996 ng unang nagkaroon ng serbisyo ng kuryente ang barangay mula sa Biselco. Ginawa ang path walk noong 2010 para sa mga turista at ito ay isinaayos muli noong 2016 at pinahaba pa ang sukat satulong ng PHILSSA-PAGE. Noong 2015 naitayo sa Sitio Lelebken ang isang guasaling paaralan. Nobyembre 8, 2013 ng manalanta ang bagyong Yolanda na kung saan maraming kabahayan, pananim at kabuhayan ang napinsala sa buong barangay. Taong 2017 naman ay naitayo ang Bintuan High School na kung saan malaking tulong para sa mga magulang na may mga anak na high school. Taong 2019 naman ay nagsimulang mag-operate ang Momentum Construction Development Corporation na nagbigay din ng maraming trabaho hindi lamang sa mga taga-Bintuan, ito’y maging sa mga karatig-barangay at iba pang lugar. 2020 ng magkaroon ng Covid na nakaapekto maging sa buong mundo, marami ang nawalan ng hanapbuhay at maraming negosyo ang nagsara. Ngunit sa tulong ng mga kumpanyang nasa hurisdiksyon ng barangay, ang mga taga-Barangay Bintuan at maging ang mula sa ibang barangay o lugar ay patuloy na may pinagkakakitaan.

Ang mga hanapbuhay noon ng mga mamamayan sa barangay ay ang pangingisda, livestock, pagkokopra, tubuhan at ang pagkakaingin sa SityoDetongtong, Lelebken, Pielak at San Roque. Ngunit sa ngayon ay mayroon ng ibang hanapbuhay tulad ng turismo at konstruksiyon.

Ang mganamunosa barangay ay sina:

 

TAON

 

MGA NAMUNO SA BARANGAY

1906

PE TUAN (Founder of Bintuan)

1910-1915

PEDRO PALANCA (President –Mun. Mayor

of Coron)

1924-1927

PEDRO PALANCA  (Deputy Governor of

Palawan

1943

PEDRO PALANCA (1st Barangay Captain)

1952

NICOLASA PALANCA BARRACOSO

1952

QUINTIN GARRAEZ (1st Lieutenant)

1953-1955

BASILIO ARGUELLES

1955-1957

JUAN DACO

1957-1966

QUINTIN GARRAEZ

 

1965

MA. LUISA PARMELEE PE (Municipal Vice

Mayor of  Coron)

1966

VICENTE BARRACOSO, SR.

1972

EDMUND PALANCA

1972-1979

CONSTANTINO PALANCA

1979-1982

LEONARDO PE

1982

CONSTANTINO PALANCA

1991-1994

GONZALO ALEJANO

1994-1997

ANTONIO GARRAEZ

1997-2002

JOSEPH PALANCA

2002-2007

YURI PALANCA

2007 to2023

LARRY PE

Nov. 17, 2023- Present5

LARRY PE

Ang mga imprastraktura na naipagawa ng barangay ay ang gilingan na ginawang Barangay Health Center, ito ang pinakaunang gusali na ipinagawa noong 1964.  Ang Marcos Type na gusaling pampaaralan ay naipagawa sa pamamagitan ng bayanihan.  Taong 1969 naipagawa ang Simbahan ng Katoliko sa pamamagitan din ng bayanihan.

Marami ring mga sakuna ang dumaposa barangay, katulad na lamang ng Bagyong Gilda na signal # 3 noong December 19, 1959 na maraming bahay ang naapektuhan, halos 75% ng kabuhayan at kabahayan ang nasalanta.  Noong July, 1972 naman ang Bagyong Yoling na marami rin ang mga nasalanta, katulad ng paglubog ng mga Bangka na ikinamatay ng tatlong (3) tao. Noong November 8, 2013 dumaan ang bagyong Yolanda at maraming nasirang kabahayan, mga pananim, mga hayop mga imprastraktura at mga pinagkukunan ng kabuhayan sa Barangay.

May mga epidemya din na dumapo sa mga mamamayan ng barangay tulad ng malaria noong 1965, eltorsataong 1969 at ang tigdas at bakukang naman ay sa taong 1980’s at dengue noong mga 2000’s. Taong 2020 naman ng magkaroon ng Covid na nagpahirap din hindi lamang sakalusugan, ito’y nagbigay hirap maging sa aspeto ng pamumuhay.

Geographical Location

Barangay Bintuan has a total land area of 17,580 hectares and 25 kms. away from Coron town proper. It is composed of wide plains suited for agricultural purposes and wide seas with abundant marine species. It is accessible by land and sea transportation from Coron Town Proper and any part of Busuanga Island and neighboring barangays. It is bounded by Barangay Decalachao at north, Municipality of Culion at south, Sto. Niño, Busuanga at West and Barangay Guadalupe at east. The classification or type of the barangay is rural.

Accessibility

It is accessible by means of land transportation including jeepney, tricycle, motorcycles, Van and bus. It is also accessible by means of sea transportation thru motorized banca.

BARANGAY OFFICIALS

PUNONG BARANGAY
LARRY B. PE

SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
LURRY O. AUSTRIA
MARTIN Z. ABACA
NEMSIE D. LIBARRA
ARNEL A. ABELEDA
JOHN PAUL G. NAVALTA
RICARDO F. BALBUTAN
JAMESON F. CASTILLO

SK CHAIRPERSON
GLYZE N. RIOS

BARANGAY SECRETARY
DESIREE S. LABADAN

BARANGAY TREASURER
JANICE C. EBON