MISSION
“Kami na mga taga Banuang Daan ay aming susuportahan ang pag-aaral ng mga kabataan , katandaan o buong pamayanan , nagkakaisang pinapatupad ang batas pang-barangay ,maglaan ng pondo para sa imprastraktura at sama-samang gagawa ang bawat miyembro ng komunidad , pinoprotektahan ang kalikasan upang maiwasan ang sakuna, nagtutulungan ang bawat pamilya para sa matatag at maunlad na pamumuhay.”
VISION
“Sa taong 2026 ang Barangay Banuang Daan ay kilala bilang pangunahing Tourist Destination sa bayan ng Coron. May mataas na antas na kaalaman, nakapag-aral na mga kabataan, may malusog, maayos, tahimik, masaya at may pagkakaisang pamayanan, may maayos na pagpapatupad na mga ordinansa o mga napagkaisahang patakaran, may maayos na mga kalsada, luntian, masagana, at malinis na kapaligiran at may hanapbuhay ang mga tao sa Barangay.”
HISTORICAL BACKGROUND
Ayon sa talaan ng kasaysayan at batay narin sa alaala ng mamayan, ang Barangay Banuang Daan dati ay Bayan ng Coron. Noong mailipat ang coron sa Maquinit, bago pa ito naging barangay. Subalit noong ang bayan ng Coron sa Banuang Daan ang unang barangay niya ay ang Barangay Lajala. Bago pa ito naging barangay, noong umalis na ang bayan ng coron sa Banuang daan. Sa ngayon ang Barangay Banuang daan ay tinaguriang Ina ng Coron. Tinawag siyang Banuang Daan na ang ibig sabihin sa tagalog ay Lumang Bayan. Sa tagbanua naman ay Bato. Si Apong Matambak at Apong Makarere, sila ang kauna unahang tao na naninirahan sa Barangay Banuang Daan, sila ay mga higanteng tao, na sa kasakuyan ngayon na tao ay walang kapareha.
Napakamangha kong saan sila nagmula na lahi.At sumunod noon ay pumasok na ang mga dayuhan tulad ng mga bisaya, cuyunin at iba pang mga lahi. Simula pumasok ang mga dayuhan noon ay natuto narin ang mga tagbnua sa mga kaugalian ng mga bisaya tulad ng pakikipag-usap sa tao, dati kasi sila ay takot sa mga tao, ibig sabihin sila ay mga ignorante pa noon. Napakalaki na ngayon ang pagbabago ng Barangay, Banuang Daan kumpara sa dating kalagayan.
Ang pangunahin nilang trabaho ay ang Balinsasayaw at turismo unti-unti na nila ngayong nabubuksan bawat lugar na mapagkakatitaan, napalaki ng naitulong ng turismo ngayon, sa mga Tagbanua. Ito ang nagbibigay ng pangkabuhayan nila sa araw-araw. Sa lugar na ito ay mayroon silang tinatawag na Apong Dakulo na ang ibig sabihin siya ang pinakamatandang tao sa Barangay at mayroon din kaagapay ang apong Dakulo na kong tawagin ay mga Manig-erekelen itinuturing silang matatanda sa Barangay.
Nakapagpatayo rin sila ng mga imprastraktura sa Barangay tulad ng mga sumusunod:
TAON IMPRASTRAKTURA
1939 School
1984 Multipurpose
1993 Stage of school
2002 Basketball Court old
2002 Multipurpose reprapping
2010 Health center at Solar Electrification
2009 Road Concreting- Barangay Proper
2009 Daycare Center
2011 Health Center
2012 Water tank from cord Aid Program
2014 Road Bridges
2022 Cover Court new
2024 Barangay Hall
Ang unang nanungkulan sa Barangay bilang Kapitan ay si Dionisio Aguilar, siya ay nanungkulan simula 1973 hanggang 1975, at sinundan ng mga sumusunod na mga ninuno noon:
TAON MGA NANUNGKULAN SA BARANGAY
1976-1980 Danset Aguilar
1981-1983 Anistisio Maglicante
1984-1992 Ernesto Aguilar
1993-2009 Roweldo Aguilar
2018-2023 Bienvenido L. Abella
2023-Present Rogildo T. Aguilar
Ang kapyestahan ni Patron ni San Lorenzo ay ipinagdiriwang tuwing ika – 28 ng buwan ng Mayo.
Geographical Location
Ang Barangay ay nabibilang sa Barangay na nasasakop ng Munisipyo ng Coron. Ito ay may kabuuang laki na 763.62 hektarya.
Ang Barangay Banung Daan ay may 10 (kilomtero) distansya mula sa sentro o kabayanan kung saan naroon ang bulwagan (city or municipal hall) ng bayan o lungsod. Nasa Silangang East bahagi nito ang Coron Bay, sa Kanlurang (West) bahagi naman ng Coron Bay, sa Hilagang (North) bahagi ang Coron Bay, sa Hilagang Bay, at sa Timog (South)naman ang Barangay Cabugao.
Ang Barangay Banuang Daan ay may Kabuuang bilang na 1,180 Populasyon. 550 ang bilang ng mga lalaki at 630 ang bilang ng mga babae. Ang Barangay ay nasasaklawan ng 4 na Sitio (Sitio Proper, Sitio Mountain High, Sitio Masipag, Sitio Dalusan), Ito ay napapaloob sa 4 Purok na may kabuuang bilang na 380 Families, at 280 na Pamilya.
Accessibility
Makakarating sa lugar na ito gamit ang Bangka, dahil hiwalay ito sa bayan ng Coron, 45 minutes from Banuang Daan to Coron town .At kabilang ang Barangay Banuang Daan sa Ancestral Domain.
BARANGAY OFFICIALS
PUNONG BARANGAY
ROGILDO T. AGUILAR
SANGGUNIANG BARANGAY MEMBERS
BERNARD C. MORALES
ALJON P. BAYONAS
ACE JOHN R. AGUILAR
NAHOR A. DACULLIOS
HERNANDO P. AGUILAR
JHONEL A. AGUILAR
DIOKNO V. CALIX
SK CHAIRPERSON
ARLAN A. ESPEÑA
BARANGAY SECRETARY
CARLA S. AGUILAR
BARANGAY TREASURER
NORLYN DIOCARIZA
