469378148_568826689237368_36343729699583972_n
469408052_568826695904034_3820557741593732402_n
Paskong Puno ng Pasasalamat para sa Ating Mga Bayaning VHW at BNS💙💛🎄

Ngayong Pasko, isang taos-pusong pagpupugay ang ating inihandog para sa ating mga Volunteer Health Workers (VHW), at Barangay Nutrition Scholars (BNS) ang mga tahimik na bayani ng Coron na patuloy na naglilingkod ng may pagmamahal, malasakit at walang kapaguran para sa ating bayan.

Sa kabila ng lahat ng hamon, kayo ang naging sandigan ng ating bayan. Sa bawat tahanang inyong inaabot, sa bawat serbisyong inyong iniaalay, pinapakita ninyo na ang tunay na diwa ng paglilingkod ay ang pagmamahal sa kapwa.
Ngayong Kapaskuhan, nawa’y madama ninyo ang init ng pasasalamat ng bawat Coronian. Panahon na upang kayo naman ang bigyang-pugay, pasayahin.

Salamat, mga bayani ng bayan! Ang Coron ay lubos na nagpapasalamat sa inyo.