Ipinaaabot po ng ating tanggapan na simula ngayong buwan ng Disyembre, magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng kalsada/daan sa Real Street, Barangay Poblacion 2. Ang pagsasara ay magaganap mula alas-8 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling araw, 8PM-2AM.

Layunin po nito na gawing isang ligtas at kaaya-ayang pasyalan ang nasabing lugar para sa ating mga residente, bisita at mga turista, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Kami po ay humihiling ng inyong pang-unawa at suporta.

Matamang salamat!